Ipinamanang Lupain ng Isang Ina sa Kanyang 11 na Anak, 17 Taon na Hindi Dinalaw, ang Hindi nila Alam Super Lawak pala kung Saan mayroon itong Falls at Ilog

Madalas na binabanggit ng ilang mga magulang na edukasyon at magagandang aral lamang ang tanging maipapamana nila sa kanilang mga anak. Bagamat mahalaga rin ang mga ito, mapalad rin ang ilang mga anak gaya ni Noel Suque at ang kaniyang sampung mga kapatid na nagkaroon ng isang nakakabilib na property mula sa kanilang mga magulang.

Ayon sa isa sa mga anak ni Nanay Leoning Suque na si Noel, lumaki silang mahirap ang buhay dahil nagtitinda lamang ng gulay si Nanay Leoning sa Cainta, Rizal upang buhayin ang kaniyang 11 na anak.

Sa kabila nito, sang-ayon si Noel at ang kaniyang mga kapatid na pinalaki sila nang maayos at pinuno sila ng pagmamahal ng kanilang mga magulang.

Dagdag pa rito, nababanggit din ng kanilang Nanay Leoning ang lupang minana nito mula sa kaniyang nanay ngunit sa kasamaang palad, hanggang sa sumakabilang buhay si Nanay Leoning noong 2004 ay hindi na nakita ng kaniyang mga anak ang lupang ito.

Ngunit noong nakaraang taon lamang o makalipas ang 17 na taon ay nagkaroon sila ng pagkakataon na makita sa wakas ang lupaing ito. Sa katunayan, nakalimutan na umano nila ang lupang ito ngunit ipinaalala ng isa sa kanilang mga tiyahin na mas mabuting bisitahin nila ang lupain ng kanilang nanay. Hindi rin naman sila nag-aksaya pa ng oras kaya naman tumungo sila agad sa lokasyon ng nasabing lupa.

Laking gulat nga ni Noel at ng kaniyang mga kapatid nang makita ang limang ektaryang lupa ng kanilang nanay. Sakop ng lupaing ito ang isang burol at ilog. Malapit din ito sa kilalang Bagacay Falls.

Dahil sa lawak ng lupang ito gayundin ang napakagandang lokasyon nito, nakita nina Noel ang potensyal ng lupa. Ayon sa kanila, nagdesisyon silang huwag nang hatiin pa ang lupa na ito at sa halip ay pagtutulong-tulungan na lamang nila itong aalagaan at pagyayamanin. Plano nilang mag-alaga ng iba’t ibang hayop dito. Nais din nilang magtayo ng isang bahay dito na maaaring maging isang campsite.

Talagang maganda ang plano ng magkakapatid na ito para sa kanilang minanang lupain. Nakakatuwa rin na nagkakaisa sila pagdating

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *