“Eto na siguro ang pinakamasayang DIY build na gawa ko!’ Isang OFW na Ama Proud na Ibinahagi ang DIY ‘Dream Gaming Room’ na Ginawa Niya Para sa Kanyang mga Anak

Proud na ibinahagi ng isang ama sa group page ng Home Buddies sa Facebook ang isang sorpresang ginawa niya para sa kanyang mga anak, na talagang nagpasaya sa mga ito. Ayon nga sa amang kinilalang si Danilo Augustus Sarigan, ang sorpresa niya na ito sa kanyang mga anak ay ang DIY build niya na ‘Dream Gaming Room’ ng mga ito.

“Eto na siguro ang pinakamasayang DIY build na gawa ko” saad ni Tatay Dan.

Photo credits: Danilus Augustus Sarigan | Facebook

Masaya ding inilahad ni Tatay Dan na dahil sa sorpresang ito na ginawa niya para sa kanyang mga anak, ay kitang-kita niya ang labis na tuwa ng mga ito. Ginawan niya kasi ng ‘Dream Gaming Room’ ang mga anak niya at ang naging tema nito ay ang paboritong laruin ng mga ito na Minecraft.

“Surprising my kids with their DREAM GAMING ROOM. Sobrang happy nila. Taas kamay ang mga anak na mahilig sa Minecraft”, aniya pa.

Ikinuwento naman ni Tatay Dan sa nasabing Facebook page kung paano nagsimula ang DIY project niya na ito para sa kanyang mga anak. Saad niya, noon ay isa siyang OFW o Overseas Filipino Worker, ngunit dalawang taon na ang nakalilipas ng magbalik Pilipinas siya matapos niyang mawalan ng trabaho dahil sa pandemic.

Hindi naman maiiwasan na ikalungkot ni Tatay Dan ang pagkawala ng kanyang trabaho abroad. Sa kabila nito ay inisip na lamang umano niya ang ‘good side’ ng pangyayari, kung saan dahil nga sa hindi siya nakapag-abroad, ay mas nagkaroon naman siya ng mahabang oras at panahon na makasama ang kanyang pamilya lalo na ang mga anak niya.

Samantala, dahil nga sa walang magawa si Tatay Dan nu’n at nasa loob lamang naman siya ng tahanan ay dito na niya naisipan na ayusin ang bedroom ng kanyang mga anak. Dito na nga umano nagsimula ang kanyang 1st build bilang isang DIY Tatay.

Photo credits: Danilus Augustus Sarigan | Facebook

Ibinahagi naman ni Tatay Dan sa YouTube ang DIY na ginawa niya sa bedroom ng kanyang mga anak, at hindi niya inakala na marami ang manonood nito at matutuwa sa kanyang ginawa. Dito na nagsimulang magtuloy-tuloy ang mga DIY project nu Tatay Dan, kung saan matapos nga ang ginawa niyang DIY Dream Gaming Room ng kanyang mga anak ay nasundan pa ito ng DIY Loft Bed Gaming Room kung saan nagkaroon naman agad ito ng 200-milyon na mga views.

Photo credits: Danilus Augustus Sarigan | Facebook

Photo credits: Danilus Augustus Sarigan | Facebook

Photo credits: Danilus Augustus Sarigan | Facebook

Photo credits: Danilus Augustus Sarigan | Facebook

Photo credits: Danilus Augustus Sarigan | Facebook

Ayon pa kay Danilo, kaya pala siya pinauwi at nawalan ng trabaho, ay dahil mayroong mas magandang plano ang Diyos para sa kanya.

Sa mga nais naman na mapanood kung paano ang naming pag DIY ni Tatay Dan sa Dream Gaming Room ng kanyang mga anak, ay maari itong mapanood sa YT channel niya na DIY Tatay Dan sa YouTube.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *