“Dreamhouse unlocked” Magpartner na Online Seller at Dating OFW sa Korea Proud na Ipinasilip ang Naipundar Nilang Tahanan Dahil sa Kanilang Kasipagan at Pagtutulungan

Inspirasyon ang naging hatid ng isang magpartner, matapos nilang ibahagi kung paano nila natupad ang pangarap nilang ‘dreamhouse’ na katas ng kanilang naging pagtutulungan at sakripisyo, na malayo sa isa’t isa ng ilang taon.

Sa Facebook group page na Home Buddies kung saan napakaraming mga netizens ang nagbabahagi ng kani-kanilang mga naipundar na tahanan at kuwento sa kung paano nila itong naisakatuparan, ay isang mag-partner ang nagbahagi nito lamang nakaraan ng ‘dream house’ na naipundar nila at kung paano nila ito nabigyan ng katuparan na dalawa.

“’Hi mga Ka HB … Just wanted to share our success with all of you! Sana maka-inspire kami [heart emoji]”, saad ng netizens na si Catherine Arguilles Alvarez sa unag bahagi ng kanyang FB post.

Ayon kay Catherine, ibinahagi niya ang naging katuparan ng kanilang ‘dream house’ sa pagnanais niyang makapagbigay ng inspirasyon para sa ibang magpartner o mag-asawa na nangangarap na magkaroon ng sarili nilang tahanan.

Photo credits: Catherine Arguilles Alvarez | Facebook

Dagdag na saad pa niya, ngayon ay napakasaya nilang mag-partner dahil sa na-unlocked na nila ang pangarap nilang dreamhouse. Maliban pa sa naipundar nilang tahanan ay tila may pa-bonus pa umano si Lord dahil nakabili din sila ng brand new na motor, isang scooter na kulay kahel
“Dream house unlocked!”

“May pa bonus pa si Lord! Nakabili din ng brand new Honda Click 125”, saad niya.

Photo credits: Catherine Arguilles Alvarez | Facebook

Kuwento ni Catherine nabigyan nila ng katuparan ng kanyang partner ang pangarap nilang dreamhouse dahil sa kanilang pagsasakripisyo at pagtutulungan. Dagdag na saad pa niya, 3-taon silang LDR ng kanyang partner dahil sa isa itong OFW.

Sa kabila naman ng matagal-tagal din nilang pagkakalayo sa isa’t isa, masasabi naman niya na ‘worth it’ ito, dahil lahat nga ng naging sakripisyo nila ang naging kapalit naman ay ang matupad nila ang pangarap nilang tahanan.

“LDR 3 years pero super worth it lahat ng sacrifices namin”, ani Catherine.

Pahayag pa niya, naging posible din para sa kanila ang pagtupad ng pangarap nilang ito dahil sa tulong ng Panginoong Diyos.

“With the help of the Lord isa sa mga pinapangarap namin natupad na.”

Makikita naman sa ibinahaging mga larawan ni Catherine na ang kanilang naipundar na tahanan ay isang kongkretong tahanan na mayroong modernong disenyo. Moderno din ang interior nito, lalo na pagdating sa kitchen at bathroom area.

Photo credits: Catherine Arguilles Alvarez | Facebook

Photo credits: Catherine Arguilles Alvarez | Facebook

Photo credits: Catherine Arguilles Alvarez | Facebook

Photo credits: Catherine Arguilles Alvarez | Facebook

Photo credits: Catherine Arguilles Alvarez | Facebook

Photo credits: Catherine Arguilles Alvarez | Facebook

Photo credits: Catherine Arguilles Alvarez | Facebook

Buong pagmamalaki din na ibinahagi ni Catherine na naipundar nila ng partner niya ang tahanan nilang ito sa edad niya na 25-taong gulang at ito naman 31-taong gulang. Saad pa niya, siya ay isang freelancer at online seller, samantala isa namang dating OFW sa Korea ang partner niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *