Dating Tambayan ng mga Manok ng Isang Tatay, Isa na Ngayong Napakaganda at Nakakarelax na Garden Matapos niya itong Irenovate

Sino ba naman ang hindi nangangarap na magkaroon ng isang napaagandang hardin sa loob ng bakuran ng tahanan? Marahil kahit na sino sa atin ay nangangarap na magkaroon ng ganito, dahil tunay namang napakasarap sa pakiramdam kapag tayo ay mayroong maayos at magandang tambayan, na nakakarelaks pa sa mata dahil sa mga luntiang pananim at nagagandahang pananim na nakapaligid dito.

Samantala, pagdating sa usaping hardin, isang kapitbahay natin sa Facebook group page na Home Buddies ang nito lamang nakaraan ay ibinahagi ang nakamamanghang transpormasyon ng isang bahagi sa kanilang bakuran na ayon sa kanya ay dating tambayan ng mga alaga nilang manok, ngunit sa ginawa nilang renovation dito, ngayon ay isa na itong napakagndang hardin na nakakarelaks tambayan.

Sa unang larawan na kanyang ibinahagi ay makikita na ito isang espasyo sa loob ng kanilang bakuran na tila napabayaan at nilagyan na lamang nga ng mga kulungan ng mga manok na gawa sa kawayan.

Photo credits: Jonah M. Rosali

Makikita naman sa sumunod na larawan kung paano ito sinimulang ayusin para maging isang magandang tambayan at hardin. Unang ginawa nila rito ay ang naging pag-ayos nila ng pagkakasemento ng sahig nito at ang paglalagay dito ng maayos na pader na ang kalahati ay hagwire.

Photo credits: Jonah M. Rosali

Photo credits: Jonah M. Rosali

Nang kanila na ngang maayos ang pader at pagkakasemento ng bahagi na ito ng kanilang bakuran, ay makikita na ito ay sinimulan na nilang punuin ng mga iba’t ibang makukulay at luntiang halaman.

Photo credits: Jonah M. Rosali

Ang ibang mga halaman ay nakatanim sa makukulay na paso, at may iba naman na mga hanging plants na nakasabit sa may hagwire.

Photo credits: Jonah M. Rosali

Isa naman sa mga talagang nagbigay ng kakaibang dating sa ginawa nilang hardin na ito ay ang naging paglalagay nila dito ng gate na gawa sa kahoy at may kakaibang disenyo. Mas lalo pang gumanda ang nasabing gate dahil sa pa-ilaw na nilagay dito.

Photo credits: Jonah M. Rosali

Mapapansin din na ang dating bintang jealousy ng isang silid na nasa bahaging iyon ay naging isa ng sliding door.

Photo credits: Jonah M. Rosali

Tunay namang napakaganda ng kinalabasan ng ginawa nilang transpormasyon sa dating tambayan ng manok, dahil ngayon ay isa na itong napakagandang lugar sa loob ng kanilang bakuran, na hindi lamang kaaya-ayang tingnan sa mata, kundi tila napakasarap din tumambay dito at magkape lalo na sa oras ng agahan o di kaya ay meryenda.

Photo credits: Jonah M. Rosali

Photo credits: Jonah M. Rosali

Photo credits: Jonah M. Rosali

Naging instagramable ang resulta ng renovation na ito kung saan hinangaan sa social media.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *