Connect with us

Showbiz

Blooming na Blooming sa Kanyang Maternity Photoshoot ang Soon-to-be-Mom na Si Jessy Mendiola, Nananabik ng Maisilang at Masulyapan ang Kanyang Baby Peanut

Ang aktres na si Jessy Mendiola ay isa sa mga soon-to-be-mom ngayon sa mundo ng showbiz na sinusubaybayan ng marami, lalo na ng kanyang mga tagahanga at tagasuporta. Maliban sa pagiging isang aktres, ay kilala din si Jessy bilang misis ng aktor at host na si Luis Manzano, at ang ipinagbubuntis ni Jessy ay ang magiging panganay na anak nilang mag-asawa.




Samantala, nauuso naman sa panahon ngayon sa mga buntis ang pagkakaroon ng maternity photoshoot, kung saan ay kanilang ibinibida ang baby bump nila bago pa man nga nila maisilang ang sanggol na nasa kanilang sinapupunan. Ang mga larawan na kuha sa naturang maternity photoshoot ay nagsisilbing alaala sa isang ina sa mga panahon na ipinagbubuntis pa niya ang kanyang anak.

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube Channel

Hindi naman nagpahuli ang soon-to-be-mom na si Jessy Mendiola na magkaroon ng maternity photoshoot. Nito lamang nakaraan ay nagbigay pasilip ang aktres ng ilang mga nagagandahan niyang larawan sa naging maternity photoshoot niya habang ibinibida niya ang maumbok na niyang baby bump.

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube Channel

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube Channel

Nito nga lamang ika-20 ng buwan ng Oktubre, araw ng Huwebes ng ibahagi ni Jessy sa pamamagitan ng vlog ang ilan niyang mga larawan sa ginawa niyang maternity photoshoot, kung saan kasama din niya sa ibang larawan ang mister niyang si Luis Manzano. Ayon kay Jessy ang kumuha ng mga nagagandahan nilang larawan ay celebrity lensman Pat Dy at ito ay naganap sa isang luxury hotel sa Pasay City.

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube Channel

Ayon kay Jessy talaga namang ine-enjoy niya ang pagbubuntis niya at damang-dama na niya ang mabilis na maglaki ni Baby Peanut sa kanyang sinapupunan. Ibinahagi rin niya ang kanyang pananabik na masilayan at mahawakan na ang kanyang munting sanggol.

“I love my big bump and I cannot lie. Baby peanut is growing fast and I can’t wait to meet her, and hold her in my arms. For now, awra awra muna si mommy ha,” ani Jessy.

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube Channel

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Jessy sa kanyang glam team na tumulong para maging matagumpay ang maternity photoshoot niya, kabilang na dito ang kanyang stylist na si Patty Yap, ang hair stylist niya na si Julia Fresh at ang makeup artist niyang si Kusie Ho.




Pinasalamatan din nita ang Manila Diamond Studio para sa mga jewelry na isinuot niya, ganun din ang Ginger Event Styling na nag-set ng design at si Vincet Sy na siya namang kumuha ng official video.

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube Channel

Kitang-kita naman sa maternity photoshoot kung gaano ka-blooming ngayon si Jessy, at talaga namang sila ng mitser niyang si Luis ay sabik na sabik na sa pagsilang ng kanilang panganay na anak.

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube Channel

Matatandaan na buwan ng Agosto ng kasalukuyang taon ng isapubliko ng mag-asawang Jessy at Luis na sila ay magkakaroon na ng anak, ito ay makalipas lamang ng isang taon matapos nilang maikasal. Sina Jessy at Luis ay ikinasal noong buwan ng Pebrero taong 2021, sa isang intimate ceremony sa Batangas.

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube Channel




Inaasahan naman na ngayong nalalapit na buwan ng Disyembre isisilang ni Jessy ang sanggol sa kanyang sinapupunan, at ito nga ay ang kanilang baby Peanut, na pinanabikan na ng lahat, lalo na ng kani-kanilang pamilya.

error: Content is protected !!