Baron Geisler, Nangako Pala Sakanyang Ina Bago Ito Namayapa Na Tatapusin Niya Ang Kanyang Pag-aaral

Nakilala sa mundo ng showbiz ang aktor na si Baron Geisler dahil sa kanyang husay sa pag-arte na ipinamalas niya sa murang edad pa lamang niya. Dahil sa kanyang pagiging isang mahusay na aktor, ay iba’t ibang mga karakter na ang ginampanan niya sa bawat proyektong kanyang kinabibilangan mapa-telebisyon man ito o big screen.

Batid naman ng marami na sa buhay niya sa showbiz at mapa-personal man niyang pamumuhay ay maraming pinagdaanan si Baron, at ito ang dahilan kung bakit pansamantala siyang nawala sa industriya ng showbusiness.

Photo credits: Baron Geisler | IG

Sa kabila naman ng maraming pagsubok na kanyang pinagdaanan, ay pinatunayan ni Baron sa lahat na hindi pa huli para sa kanya ang magbago at maituwid anoman ang mga maling desisyon niya sa kanyang buhay. Tulad ng iba, muling inayos ng aktor ang kanyang buhay, at ito ay nagawa niya ng matagumpay dahil na rin sa pagbabalik-loob niya sa Panginoon.

Dahil sa pagbabago at muling pag-aayos niya ng kanyang sarili, ay muling nabigyan ng mga proyekto sa showbiz si Baron at siya’y sinuportahan din muli ng publiko.

Samantala, isa sa mga naging dahilan sa pagbabagong-buhay ni Baron ay ang kanyang pamilya at ang naging pangako niya sa kanyang ina bago ito namayapa. Isa sa mga ipinangako ni Baron sa kanyang ina ay ang tatapusin niya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo, kaya naman agad siyang nagbalik eskwela at tinapos ang kanyang kinuhang kuros.

Photo credits: Baron Geisler | IG

Matatandaan na nagbalik sa kanyang pag-aaral si Baron noong taong 2019, at aminado ang aktor na hindi anging madali lahat para sa kanya ng magdesisyon siyang mag-aral muli dahil sa kinakailangan nga niyang pagsabayin ang pag-aaral, pagtatrabaho at ang pagiging padre de pamilya.

Ngunit tunay na walang imposible para sa taong may dedikasyon at tiwala sa Panginoon, dahil kahit na mahirap at hindi naging madali ang pagbabalik niya sa pag-aaral ay naitawid naman niya ito at matagumpay ngang nakapagtapos makalipas lamang ang ilang taon.

Buong pagmamalaking ibahagi ni Baron sa kanyang Instagram ang naging matagumpay niyang pagtatapos sa kolehiyo noong ika-25 ng Abril taong 2022. Siya ay nagtapos ng kursong Bacchelor of Arts in Theology sa All Nations College sa Antipolo City. Makikita din sa IG post ni Baron ang pagbabahagi niya ng kanyang larawan na kuha habang siya ay nakasuot ng itim na toga at nasa taas ng entablado.

“My journey has reached its goal, and opened a way before me. Thank you Lord!” caption ni Baron sa kanyang Instagram post.

Photo credits: Baron Geisler | IG

Photo credits: Baron Geisler | IG

Photo credits: Baron Geisler | IG

Buong puso naman ang naging pasasalamat ni Baron para sa lahat ng nagtiwala, naniwala at sumuporta sa kanyang journey na ito. Hindi din nakaligtaan ng aktor na magpaabot ng pasasalamat sa Panginoon dahil ito ang dahilan ng naging pagapatuloy niya at hindi pagsuko sa buhay.

Photo credits: Baron Geisler | IG

Si Baron Geisler ay isa lamang sa mga nagpatunay na ang edad kailanman ay hindi magiging hadlang sa pagtupad ng pangarap, sapagka’t sa edad niyang 40-taong gulang ay nagawa pa rin niyang makamit ang pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral at ito ay dahil sa kanyang determinasyon, dedikasyon at tiwala na baguhin ang takbo ng kanyang buhay.