Marami ang nagsasabi na sa panahon ngayon ay hindi na biro magpagawa ng bahay, dahil halos aabutin ng milyon ang pagpapagawa sa sobrang mahal ng labor at materyales. Ngunit tunay namang walang makakapantay sa tuwa kapag ang isang mag-asawa ay nakapagpundar ng sarili nilang tahanan, dahil ang bubuuin nilang pamilya ay may maayos na matitirhan na hindi na kinakailangan pang mangupahan.
Kaya naman nakakabilib ang isang mag-asawa na nagawang makapagpagawa at makapagpundar ng sarili nilang tahanan na mayroong dalawang silid-tulugan sa halagang Php300,000.
Kung ihahambing sa ibang mga tahanan, masasabi natin na hindi magarbo ang tahanan na ito ng mag-asawa, dahil ito ay simple lamang.
Photo credits: Bong Espartero | Facebook
Photo credits: Bong Espartero | Facebook
Photo credits: Bong Espartero | Facebook
Sa kabila nito ay kumportable pa rin namang naninirahan ang mag-asawa sa tahanan nilang ito, dahil sa kumpleto ito sa pasilidad na kinakailangan ng isang pamilya. Ang simpleng tahanan nga nila na ito ay mayroong dalawang silid-tulugan, maayos na kusina, hapagkainan na tanaw din ang sala.
Sa bahaging likod naman ng tahanan na ito ng mag-asawa ay naroroon ang kanilang banyo/paliguan, at ang ‘dirty kitchen nila.
Photo credits: Bong Espartero | Facebook
Photo credits: Bong Espartero | Facebook
Ayon sa mag-asawang may-ari ng naturang tahanan, nakatipid sila sa pagpapagawa ng kanilang tahanan, dahil ang mga kahoy umano na ginamit nila dito ay mula sa mga puno na tanim ng kanilang magulang.
“Sharing our bahay sa probinsya..
Kahoy ay sariling tanim ng byenan ko..
Nagastos namin ay almost 300k materials and labor..
400 sa helper , 500 sa skilled..
4 silang gumagawa..2 skilled and 2 helper..
Kakasal lang po namin nung Dec 2021 and this July 30, 2022 ay nalipatan na po namin ito..
We give all our thanks to our Creator”
Photo credits: Bong Espartero | Facebook
Photo credits: Bong Espartero | Facebook
Makikita naman na sa pagbabahagi ng mag-asawa ng kanilang tahanan, ay pagpapasilip nila ng ‘floor plan’ nito, na nagpapakita na ang tahanan nga nilang ito ay matatawag nilang isang kumportableng tirahan ng kanilang pamilya dahil lahat naman ng kinakailangan nila para mamuhay ng kumportable at maayos ay naririto na.
Photo credits: Bong Espartero | Facebook
Pagpasok sa tahanan na ito ng mag-asawa ay bubungad kaagad ang kanilang sala na tanaw rin agad ang kanilang kitchen at dining area. Mapapansin din na walang nasayang na bahagi sa naturang tahanan para sa hallway, dahil agad ring makikita ang pintuan ng dalawang silid-tulugan.
Tunay namang maganda ang floor plan ng tahanan na ito ng mag-asawa, at maari rin itong maging floor plan sa mga nagpaplano na magpagawa ng ibang disenyo ng bahay.
Photo credits: Bong Espartero | Facebook
Samantala, batid naman natin na sa pagpapagawa ng tahanan, isa sa mga mahalaga ay ang pagiging sigurado na matibay ang pundasyon nito kaya ang ibang wala pang kakayanan para sa buong kongkretong tahanan, ang ginagawa ay ang pinaka pundasyon ay kongkreto at pagdating sa mga dingding ay gumagamit na lamang ng ibang mas makakatipid na materyales tulad ng cement board, amakan o kaya naman ay kawayan para lamang mabuo ang kanilang pangarap na sariling tahanan.
.