Connect with us

Stories

79-Taong Gulang na Diver sa Japan Ibinahagi ang 25-Taon ng Pambihira at Kamangha-manghang Pagkakaibigan Nila ng Isang Isda

Mahalaga sa buhay ng isang tao ang pagkakaroon ng kaibigan, halos lahat naman siguro sa atin ay mayroong kaibigan. Ang pagkakaibigan ay hindi lamang para sa kapwa tao, kundi ito ay maari ding pagkakaibigan ng tao at hayop.

Madalas nga natin naririnig ang salitang “man’s bestfriend ang mga alagang aso” ngunit alam niyo ba na may tao din na kung tawagin ay real-life Aquaman dahil sa pakikipagkaibigan niya sa isang isda sa ilalim ng dagat.

Ang taong ito na kinikilala ngayon bilang real-life Aquaman ay ang 79-taong gulang na diver mula sa bansang Japan, ito ay dahil sa kanyang pambihira at kamangha-manghang pakikipagkaibigan sa isang isda sa mahigit 25-taon.

Sa ilalim ng dagat ng Tayetama Bay sa Japan ay mayroon silang tinuturing na dambana na kung tawagin nila ay Torii, kung saan ito ay pinaniniwalaan ng mga Shinto religion bilang isang sagradong lugar. Ang local na dover na si Hiroyuki Arakawa ang napag-atasan na maging tagapagbantay ng naturang dambana. Siya rin ang nagsisilbing gabay ng mga turistang diver na bumibisita sa naturang sagradong lugar.

Dahil sa napakatagal na panahon na din na naging madalas na pagbisita ni Hiroyuki Arakawa sa naturang dambana ay naging pamilyar na din sa kanya ang marine life na nakapalibot sa lugar, at dito na din nagsimula ang kanyang pambihira at kamangha-manghang pakikipagkaibigan sa isang isda sa ilalim ng dagat.

Naging kaibigan ni Hiroyuki ang Asian sheepshead wrasse na si Yoriko, at ang kanilang pagkakaibigan ay talaga namang matatag dahil sa ito ay binubuo ng respeto, pag-unawa at tiwala.

Ang napakagandang pagkakaibigan na ito sa pagitan ng tao na si Hiroyuki at isdang si Yoriko ay na-capture sa isang video via Great Big Story at ito ay napanood ng marami sa YouTube. Marami ang talagang namangha sa pagkakaibigan ng dalawa, lalo na ng kanilang mapanood sa naturang video ang naging pagtanggal ni Hiroyuki Arakawa ng kanyang diving mask kasabay ng pagbigay niya ng dalawang matamis na halik sa isdang si Yoriko.

Samantala, naniniwala ang 79-taong gulang na diver na nagagawa niyang mahawakan at makipag-ugnayan kay Yoriko dahil sa mayroong ‘sense of trust’ sa pagitan nilang dalawa.

Isang bihasa naman ang nagsagawa ng pag-aaral at nagsabing ang mga isda ay may angking talinong taglay kumpara sa ibang species, at ang mga isda din ay mas sociable, kahit na ba hindi sila tipikal na ‘feelers’ creature, ito nga ay ayon kay Dr. Cait Newport ng University of Oxford.

“Two images of human faces were presented to fish by scientists and the fish were trained to choose one by spitting their jet at the picture. The researcher chooses to make things a little difficult. They made the picture black and white, and the head shapes were evened out. You would be of the thought that would throw the fish for a loop. But no. they were able to pick the face they were familiar with and with more accuracy: 86%!”, ang naging pahayag ni Dr. Cait Newport ng siya ay makapanayam ng CNN.

Malamang madaming tao ang hindi maniniwala sa pambihirang pagkakaibigan na ito ng tao at isda, ngunit base na rin sa kilos nina Hiroyuki Arakawa at kaibigan niyang isda na si Yoriko sa video ay patunay lamang ito na maari talagang maging magkaibigan ang isang tao at isda, at ang kanilang pagkakaibigan ay panghabang-buhay.

error: Content is protected !!