19 Taong Gulang na Senior High School Graduate na Taga Southern Leyte, Kumikita ng Mahigit Kumulang Php24k Kada Buwan, Mula sa Kaniyang Lettuce Farm

Tubong Southern Leyte ang 19-year-old na lettuce farmer at negosyante na si Mark James Pedragosa. Kwento ni Mark, pangalawa siya sa tatlong magkakapatid kaya naman gaya ng ibang mga kabataan ngayon, isa sa mga prayoridad at hangarin ni Mark ay ang makatulong sa kaniyang pamilya.

Photo credits: Mark James Pedragosa II | Facebook

Dahil dito, nang makapagtapos si Mark sa kaniyang technical vocational course sa senior high school ay agad siyang lumuwas papunta sa Maynila upang makapagtrabaho. Ngunit kalaunan, napagtanto niya na hindi para sa kaniya ang pagtatrabaho dito. Isa pa, hindi rin niya gustong malayo sa kaniyang pamilya.

Photo credits: Mark James Pedragosa II | Facebook

Dahil dito, nagdesisyon si Mark na bumalik na lamang sa Southern Leyte upang simulan ang kaniyang munting farm. Perpekto naman ito para kay Mark lalo na at kinahihiligan niya rin ang pagtatanim. Ayon sa kaniya, nakuha niya ang hilig na ito mula sa kaniyang mga magulang.

Photo credits: Mark James Pedragosa II | Facebook

Ang kaniyang tatay na si Marvin Pedragosa ay nagtatrabaho bilang isang tuba wine maker samantalang ang kaniyang nanay naman na si Ana Lisa Pedragosa ay nagtatanim din ng iba’t ibang mga gulay.

Photo credits: Mark James Pedragosa II | Facebook

Gamit ang kaniyang panimulang puhunan na PhP100 at simpleng styrobox bilang taniman ay nakapagsimula na nga si Mark ng kaniyang sariling lettuce farm. Unti-unti niyang pinalago ang simpleng farm na ito hanggang sa ngayon ay naging maayos at regular na ang kinikita niya mula rito.

Photo credits: Mark James Pedragosa II | Facebook

Nagkaroon din siya ng regular na mga customers na kumukuha ng supply mula sa kaniya. Ilan na nga sa mga ito ay ang mga restaurant mula sa Bato, Leyte. Mayroon ding ilang tindahan mula sa Maasin City na kumukuha ng supply mula kay Mark.

Dahil sa napakagandang kita ng farm na ito, ayon kay Mark ay umaabot sa PhP12,000 hanggang PhP24,000 ang halaga ng kaniyang buwanang kita. Bukod dito, nakapagpatayo na rin siya ng isang greenhouse sa Barangay Sto. Niño, Maasin City upang makapag-ani pa siya ng mas maraming lettuce para sa kaniyang mga customers.

Photo credits: Mark James Pedragosa II | Facebook

Dagdag pa sa kaniyang mga plano upang mas maging matagumpay pa ang negosyong ito, nais din ni Mark na mapabuti pa ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng kaniyang pag-aaral sa hinaharap.

Photo credits: Mark James Pedragosa II | Facebook

Hindi naman imposible na maabot ito ni Mark lalo na at maayos ang kita ng kaniyang farm. Totoo nga na napakarami ang magandang naidudulot ng pagsasaka. Dahil dito, pinayuhan din niya ang iba na sumubok na magtanim ng mga gulay hindi lamang upang makapagbenta kundi para na rin makatipid sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *