Tiny Cabin House na May Sukat na 23sqm, Pang Hotel ang Disenyo at Kayang Umukupa ng Hanggang Anim na Ka-Tao

Isang cabin na may sukat na 23 sqm ang ngayon ay agaw-pansin, hindi lamang dahil sa pagkakaroon nito ng modernong disenyo, kundi dahil sa kabila ng maliitna sukat nito ay kaya nitong umukupa hanggang sa anim na tao.

Ang cabin na ito ay matatagpuan sa isang villa sa Naga City, at kung pagmamasdan ito sa malayo ay agad na iisipin na sa liit nito ay maaaring dalawang tao lamang ang maaaring umukupa dito. Sa kabila naman ng pagkakaroon ng sukat na 23sqm ng naturang cabin, ay sinigurado naman ng arkitekto na nasa likod nito na maaring matirhan at maging kumportable ang isang pamilya sa naturang cabin.

“Given that the villa serves as the common areas for the families, they envisioned each family to have their own sleeping quarters around the farm. This cabin is the first one of those built,”

Photo credits: Studio GRAAR

Photo credits: Studio GRAAR

paliwanag ng arkitektong si Allie Principe ng Studio GRAAR. Si Architect Allie at kanyang partner na si Architect Lando Cusi ang magkatuwang na nagtrabaho at nagplano ng disenyo ng naturag cabin.

Samantala, hindi naman madalas ay nabibisita ng dalawang arkitekto ang naturang site ng mga panahon na kanilang ipinapagawa ang cabin, kaya naman sila ay humingi din ng tulong sa isa pang arkitekto na si Architect Angelo Reyes na siya namang nanguna sa pagbisita ng nasabing proyekto.

Photo credits: Studio GRAAR

Matagal-tagal din ang naging pagawa ng naturang cabin, at talaga namang hindi biro ang naging gastos nito lalo na pagdating sa labor, ngunit masasabi naman na ‘worth it’ ito dahil tunay namang napakaganda ng kinalabasan ng nasabing proyekto.

Photo credits: Studio GRAAR

Photo credits: Studio GRAAR

Makikita naman talaga na ang cabin ay napakaganda at napaka-relaxing at welcoming kahit pa sa labas ay tula napaka-simple lamang ng disenyo nito.

Photo credits: Studio GRAAR

Photo credits: Studio GRAAR

Ayon sa mga arkitekto ng naturang cabin, ito umano ay inspired sa isang humble shed, kaya naman ang exterior design nito ay napaka-simple lamang ngunit pagpasok mo naman sa loob nito ay tunay na kamangha-mangha ang interior nito na mala-hotel ang dating.

“We thought of a simple rectangular volume to contain all of the necessary spaces inside, and the straightforward roof shape allowed for just enough space for a loft area and easy draining of rainwater,” saad ng arkitekto.

Photo credits: Studio GRAAR

Photo credits: Studio GRAAR

Mapapansin naman na ang cabin na ito ay mayroong single neutral color ang exterior, at ayon sa mga arkitekto nito ay ginawa nila ito para ma-maintain ang cohesive look ng cabin. Sa bubong naman ng cabin ay kahoy ng puno ng Mahogany ang ginamit nila.

Photo credits: Studio GRAAR

Photo credits: Studio GRAAR

Dahil sa kagustuhan naman nila na may natural na liwanag na pumasok sa loob ng cabin ay glass door ang napili nilang maging entrance nito at nilagyan din nila ito ng malalaking bintana na naka-jalousie.

“We still wanted to have a connection between the indoor and outdoor spaces so we made sure each space inside received enough natural light,” says Allie. A glass door takes the spotlight in the entrance and paired with big windows.”

Photo credits: Studio GRAAR

Samantala, dahil naman ang cabin na ito ay nasa malapit lang sa villa ay hindi na kinailangan pa na ito ay lagyan ng kitchen o dining space, ayon kay Architect Allie. Sa kabila nito, ang cabin naman ay mayroong disenyong pang-hotel, kung saan ito ay may bed space, toilet and bath, integrated closet, bar fridge at sofa bed.

Photo credits: Studio GRAAR

Ang sofa bed ay maaring tulugan ng dalawa hanggang tatlong tao, kaya naman maari talaga itong matulugan ng anim na katao.
Isa pa sa nakakabilib sa cabin na ito ay ginawa din ito na may pang proteksyon sa malalakas na bagyo, dahil sa ito nga ay nakatayo sa isang typhoon-prone area.

Photo credits: Studio GRAAR

Photo credits: Studio GRAAR

“Since the property is found in a typhoon-prone area, being prepared is a must. “To protect the cabin from strong winds and typhoons, we used corrugated roofing sheets on metal framing mounted on sliding rails for the storm shutters. We oriented the corrugations vertically to match the grooves of the building’s exterior,”saad ni Architect Allie.

Tunay namang ang cabin na ito ay masasabing ‘best place’ para sa magpamilya na nais na ma-relax at mag-unwind, dahil kahit na maliit ito ay talaga namang napaka-inviting at comfy nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *