Sulyapan ang Napakaganda, Nakaka-Relax at Napapalibutan ng Magandang Tanawin na Little Farm na Naipundar ng Mag-asawa na ito na Matatagpuan sa Probinsya ng Pililla, Rizal

Mag-asawang nangarap lamang noon na magkaroon ng sarili nilang farm, masayang ibinahagi ang katuparan ng kanilang pangarap. Ipinasilip sa publiko ang ngayon ay pagmamay-ari na nilang napakaganda at nakakarelaks na little farm sa probinsya ng Rizal.

“Pangarap lang naming ito dati and we never thought magkakatotoo. Basta pala gusto, may paraan.”,

ito ang ibinahagi ng netizens na si Glaze A Ga sa Facebook group page na Home Buddies, kasabay ng kanyang pagbabahagi ng mga larawan ng napakaganda nilang farm at ang kuwento sa pagkamit nila ng pangarap nilang ito.

Marami ang talagang namangha sa ibinahaging mga larawan ni Glaze A Ga sa Home Buddies, dahil tunay namang nakamamangha ang napakaganda at nakakarelaks na tanawin ng kanilang little farm.

Maliban pa sa napakagandang tanawin ay masisilayan din ang mga ginawa nilang pagpapaganda sa property nilang ito, kung saan pinalagyan nila ito ng tila play area para sa kanilang mga anak, camping area, mini pool at iba’t ibang mga bahay-bahay na maaring tambayan ng sinoman na mapapasyal dito.

Photo credits: Glaze A Ga | Home Buddies | Facebook

Photo credits: Glaze A Ga | Home Buddies | Facebook

Photo credits: Glaze A Ga | Home Buddies | Facebook

Ayon kay Glaze A Ga, nabili nila ang farm nilang ito sa Pililla Rizal noong kasagsagan ng pandemya, kung saan ay talagang naging malaking tulong sa kalusugan ng kanilang pamilya, dahil sa lugar na ito ay mas nakahinga sila uli at nakalanghap ng sariwang hangin.

Photo credits: Glaze A Ga | Home Buddies | Facebook

Photo credits: Glaze A Ga | Home Buddies | Facebook

Saad pa niya, ilang oras lamang ang byahe mula sa kanilang tahanan ang farm nila kaya naman talagang napaka-perfect nito para sa kanila.

“Just want to share our little farm, located at Pililla Rizal, which we bought during the height of the pandemic. Para makahinga ulit ng sariwang hangin at makapaglaro ang mga bata sa labas. The proximity is also perfect because it’s only an hour away from our house.”

Ibinagi din niya na noon ay puro talahiban pa ang property nilang ito, at ang talagang nagustuhan nila dito ay ang pagkakaroon nito ng ilog at ang tanaw mula rito ang pililla windmill na nasa hilltop, mayroon din itong nag-iisang malakaking puno ng mangga sa tuktok na century old na.

Photo credits: Glaze A Ga | Home Buddies | Facebook

Photo credits: Glaze A Ga | Home Buddies | Facebook

Kuwento pa ni Glaze A Ga, paunti-unti nilang idinevelop ang property nilang ito, at ang una nilang ginawa ay ang pagtatanim ng mga fruit bearing at forest trees, dahil sa kawalan ng puno sa lugar. Naglagay din sila ng palaisdaan, at ang isang bahagi ng lupain ay ginawa naman nilang campsite.

Photo credits: Glaze A Ga | Home Buddies | Facebook

Dagdag pa niya, wala pa silang bahay sa farm nila na ito, pero may mga conventional kubo na silang ipinatayo doon na may solar energy set-up na sakto para mabigyan ng sapat na energy power ang kubo na may naka-install na 1hp aircon. In-case naman umano na maubusan ng batt ang solar, ay may naka-ready naman silang genset.

Photo credits: Glaze A Ga | Home Buddies | Facebook

Photo credits: Glaze A Ga | Home Buddies | Facebook

Photo credits: Glaze A Ga | Home Buddies | Facebook

Ikinuwento din ni Glaze A Ga na ang pagkakaroon ng farm ay panibagong experience sa kanilang mag-asawa, lalo’t pareho silang lumaki sa siyudad.

“Lahat ay trial and error, from diging up a deepwell, setting up solar power, tilapia breeding and rice planting. Hindi kami nabobored sa dami nang gusto naming alamin/kaylangang alamin to make this farm work.”

Photo credits: Glaze A Ga | Home Buddies | Facebook

Photo credits: Glaze A Ga | Home Buddies | Facebook

Sa huli ay talaga namang kamangha-mangha ang little farm nila, dahil maliban sa pwede kang mag-camping dito, ay i-enjoyin mo din ang magagandang tanawin nito kung saan tunay na buhay probinsya ang mae-experience mo.

Narito ang buong post ni Glaze A Ga,

Permission to post admin.

This post is to inspire not to brag.
*Pangarap lang namin ito dati and we never thought magkakatotoo. Basta pala gusto, may paraan.
(Sorry for the long post)
Just want to share our little farm, located at Pililla Rizal, which we bought during the height of the pandemic. Para makahinga ulit ng sariwang hangin at makapaglaro ang mga bata sa labas. The proximity is also perfect because it’s only an hour away from our house.
Sobrang puro talahiban lang sya dati but we fell in love with the place kasi may river, tanaw ang pililla windmill sa may hilltop at may century old na nagiisang malaking puno ng mangga sa tuktok.
We’ve slowly developed the land by planting fruit bearing and forest trees, kasi walang puno dito, except for a century old manggo tree. We also built a palaisdaan and converted a portion of the land into a campsite.
The farm is about 85% self sustainable running in renewable energy now. It has a deepwell, located at the top of the hill and solar energy to power the pump and other electrical devices. Wala pa kaming bahay duon except for conventional kubos but the solar energy is already set up, enough to power an entire household, including a 1hp aircon.
May mga genset ready lang din kami incase maubusan ang solar batt.
(Ready for zombie apocalypse na yan! 😅)
Everything for us is a new learning experience, kasi laki kami pareho ng husband ko sa city.
Lahat ay trial and error, from diging up a deepwell, setting up solar power, tilapia breeding and rice planting. Hindi kami nabobored sa dami nang gusto naming alamin/kaylangang alamin to make this farm work.
If you’re asking how we’re able to afford this? I have a previous post here at HB regarding buying and investing in rental assets and this farm is one of the interest from our real property investments. Pero aside from vacation farm, actually we bought this property for it’s potential as well, because it’s in a fast developing area.
We also got the price at a bargain cost because it was under CLOA title then. My husband learned all the necessary step and process on his own to transfer the title to our name after only 2 mos from procurement. We also had to deal with issues of illegal settlers which only got settled few months ago.
Back then, wala ding vehicle access papunta sa campsite, so we had to rent a backhoe for site development. Needless to say, we spend a lot of money for the development, but since we converted a portion into a campsite, (which was a hype during the pandemic) the earning from that, paid the majority of the expenses for the development at bayad sa mga tauhan na nagmamaintain sa farm.
Sa totoo lang sobrang matrabaho pala magkaroo ng farm, magkaiba talaga kapag you’re applying the principle sa actual scenario.
Sobrang tumaas din ang tingin namin sa mga magsasaka dahil kahit magsumikap ka at kumayod dito, maliit lang talaga ang katumbas na pera sa pagod at oras mo.
Pero sa kabila ng pagod dito, we’ve learned to appreciate and love the simple life it offers.
Kaya ang next goal namin ay magtayo ng dream house which is 100% sustainable running only on renewable energy, put up our own water treatment facility and consume only our local produced daily.
We also plan na magstay here full time at hopefully makapagretire by mid 40s.
I hope this will give you perspective or inspiration. Posible naman kahit ano, basta desidido ka at gusto mo.
Wag mong isara ang utak mo sa pag iisip na imposible at hindi mo kaya, instead focus on trying to find the answer for the HOW and WHEN.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *