“Small but beautiful” Mag-asawa na Magkatuwang sa kanilang Online Business, Natupad ang Pangarap na Makapagpatayo ng Kanilang Pangarap na Tiny House

Patok na patok ngayon sa mga housewife o maging sa mga rakiterang indibidwal ang paggbebenta online, ito ay dahil kahit nasa loob ka ng iyong tahanan ay magagawa mo pa rin kumita basta masipag ka lang. Marami naman na talaga ang nagpatunay na “may pera sa online”, kabilang na dito ang kinabibiliban at hinahangaang inspiring couples ngayon, na dahil sa pagtitinda nila online ay nagawang makapagpundar ng sarili nilang tahanan.

Kamakailan lamang ng ibahagi ng netizens na si Ceejay Ponce sa kanyang Facebook account nito lamang nakaraan ang buong puso niyang pasasalamat sa Poong Maykapal at sa lahat ng mga tumulong sa kanilang mag-asawa sa pagtatayo ng kanilang simpleng tahanan. Ibinahagi rin niya ang ilang mga larawan ng kanilang simple ngunit napaka-cute na bahay.

Sa Facebook post na ibinahagi ni Ceejay ay makikita na ilan sa mga pinasalamatan niya ay ang kanyang ama, na kung saan ayon sa kanya dahil sa pagtulong ng kanyang ama ay wala silang ginastos sa ‘labor’ ng pagtatayo ng kanilang tahanan.

Ang kanyang ina naman umano ang halos naging katuwang ng kanyang ama, dahil ito ang nag-aasikaso sa ibang mga kinakailangan sa kanilang bahay lalo na kapag silang magg-asawa ay abala sa pagra-raket nila online.

Nagpaabot din si Ceejay ng pasasalamat sa kanyang pinsan na tumulong rin umano sa pagawa ng kanilang munting tahanan. Hindi rin niya nakaligtaan na pasalamatan ang misis niya na siyang naging katuwang niya sa lahat ng bagay na siya ring walang sawang nag-aalaga sa kanilang mga anak.

Ayon kay Ceejay, ang misis niyang si Mylene ang naging katuwang niya sa paglalako online ng mga bini-bake nilang pastries na na ‘source of income’ nila lalo na noong kasagsagan ng pandemya sa ating bansa.

Makikita naman sa mga larawan na ibinahagi ni Ceejay ang naging konstraksyon ng kanilang munting tahanan, at kung gaano ito kaganda ng ito ay matapos na.

Pahayag pa niya, hindi mahalaga kung gaano kalaki o kagarbo ang bahay nila, dahil ayon sa kanya hindi ito ang sukatan ng isang magandang bahay kundi ang mahalaga ay ang kalinisan at kaayusan nito sa loob at ang pagkakaroon ng mabuting puso ng naninirahan dito.

“Ang aming munting tahanan sa bukid. Hindi sa laki o garbo nasusukat ang ganda ng isang bahay, kung di sa kalinisan at kaayusan nito at sa mabuting puso ng naninirahan dito.”

Napa-sana all naman ang ilang mga netizens ng makita ang ibinahaging simple ngunit napaka-cute na tahanan ni Ceejay, kaya naman talagang marami din ang nalikom nitong shares at mga likes mula sa mga netizens na talagang namangha at napa-wow sa kanilang munting tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *