Single Mom na Isang Caregiver sa Abu Dhabi UAE, Nakapag Pundar ng 2-storey House mga Lupain at Negosyo

Iba’t iba ang nagiging kapalaran ng mga kababayan nating nakikipagsapalaran sa ibang bansa bilang mga OFW o Overseas Filipino Worker. Ang iba sa kanila ay nakakaranas ng pang-aapi ng kanilang mga amo, ngunit marami din ang maswerteng nakakatagpo ng mabuting amo na nagiging daan sa pagkakaroon nila ng magandang buhay.

Ang OFW at single mom na si Evelyn Palma ay isa lamang sa mga kababayan natin na nakipagsapalaran sa ibang bansa at maswerteng nakatagpo ng mabait na amo.

Photo credits: Kami | Facebook

Sa pagbabahagi ni Evelyn ng kanyang kuwento sa KAMI ay sinabi niya na 10-taon na siyang nagtatrabaho bilang DH sa Abbu Dhabi UAE, ngunit ngayon ay isa na siyang caregiver. Ipinagpapasalamat din umano niya na nakatagpo siya ng mabuting amo, na siyang naging daan para matupad niya ang mga pangarap niya, tulad na lamang ng nagawa niyang matustusan ang pag-aaral ng kanyang mga anak, ang makapatayo siya ng sarili nilang bahay at makapagpundar ng negosyo.

Masayang ibinahagi ni Evelyn na sa kabila ng pagiging isa niyang single mom, ay nagawa niyang mapagtapos ang panganay niyang anak ng kursong IT (Information Technology) at ang bunso naman niya ay kasalukuyang nag-aaral ng kolehiyo na kumukuha naman ng kursong Criminology.

Photo credits: Kami | Facebook

“Napa swerte ko po na nakarating ako ng UAE kasi bilang single mom sa dalawang anak ko naitaguyod ko po sila at napalaki. Siguro isang malaking blessings sakin ang nakapag abroad dahil wala naman akong natapos noon. At mapalad na nakatagpo ng mabait na amo.”

Pagbabahagi pa ni Evelyn, talagang itinuring siyang kapamilya ng kanyang mga amo, kahit pa ang mga magulang ng kanyang madam, kaya naman ipinagpapasalamat niya na nakatagpo siya ng mababait na amo sa kanyang naging pakikipagsapalaran sa ibang bansa.

“Tinuturing na nila akong pamilya kahit po ung mga magulang ng madam ko hindi rin mahigpit sakin lahat pwedi kong gawin, kainin lalo na po pag nasa restaurant kami. Ano po pagkain nila un din po pagkain ko at magkakaharap po kami kumain. Lalo na mga mgulang at mga kapatid ng madam ko super bait lagi po akong may regalo,” kwento ni Evelyn sa KAMI.

Dahil sa pagtatiyaga, pagsisipag at sakripisyo ni Evelyn para sa kanyang pamilya, ngayon ay nakapagpatayo na siya ng bahay na mayroong dalawang palapag. Nakapagpundar na din siya ng negosyo, nakabili ng motor, at maging ang kanyang kapatid ay nabigyan niya ng lupa. Nagbebenta din siya onlie ng mga imported goods na galing mismo sa UAE.

Photo credits: Kami | Facebook

Photo credits: Kami | Facebook

Photo credits: Kami | Facebook

Nag-iwan naman si Evelyn ng payo para sa mga kapwa niya OFW at kababayan na patuloy na nagsasakripisyo para sa pamilya. Saad niya, maliban sa sipag at tiyaga, kailangan din talaga na palaging magdasal at kumapit sa Poong Maylikha.

Photo credits: Kami | Facebook

Photo credits: Kami | Facebook

“Bilang isang OFW andon lagi ung dasal kahit sa sobrang pagud dapat huwag kalimutan magdasal lagi kasi doon lang kami kumakapit sa AMA. At pakitaan mo ng doble kabaitan sipag lalo na tyaga at tiwala,” dagdag kwento ni Evelyn.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *