Silipin ang Zombie Apocalypse Bunker Pad na Nagkakahalaga ng Php650k na Ipinagawa ng Isang Lalaki noong Kasagsagan ng Pandemya

Napakaraming bagay ang ginagawa ng mga tao upang mapanatili ang kanilang kaligtasan at upang mapaghandaan ang anumang sakuna. Para naman sa iba gaya ni Anthony, inihanda niya ang kaniyang sariling bahay para sa iba’t ibang bagay na posibleng mangyari.

Kwento ng may-ari ng bunker pad na ito na si Anthony, naisip niyang magpagawa ng isang bunker pad noong nagsimula ang pandemya. Dala ng takot at mga limitasyon sa syudad, naisip niyang maghanap ng 265 sqm. lupa sa probinsya kung saan siya makakapagpatayo ng bahay.

Photo credits: OG| Youtube

Photo credits: OG| Youtube

Matapos nga ang tatlong buwan ay natapos din agad ang konstruksyon ng kaniyang bahay. Mas tahimik at ligtas na rin siyang naninirahan dito ngayon.

Photo credits: OG| Youtube

Ayon pa kay Anthony, may sukat itong 30 sqm. Gawa rin ito sa konkretong materyales at bakal dahil hangga’t maaari ay nais niyang iwasan na gumamit ng kahoy na madaling masira ng mga peste.

Photo credits: OG| Youtube

Sa isang banda ng pad ay ang entertainment station ni Anthony. Mayroon din siyang CCTV system at bulletproof na pinto upang masiguro ang kaniyang kaligtasan.

Photo credits: OG| Youtube

Photo credits: OG| Youtube

Sa kabila nito, hindi pa rin niya nakalimutang maglagay ng iba’t ibang dekorasyon sa loob ng bunker pad. Makikita rin ang iba’t ibang dekorasyon at koleksyon ni Anthony sa kusina.

Photo credits: OG| Youtube

Photo credits: OG| Youtube

Photo credits: OG| Youtube

Bukod dito, mapapansin na simple lamang ang disenyo ng kusina at makikita lamang ang pinaka-importanteng kagamitan at appliances dito. Pagdating naman sa dining area ay makikita ang isang picnic table. Isa rin sa kakaibang parte ng bahay ni Anthony ay ang kaniyang comfort room dahil sa glass door nito. Pareho din ang disenyo nito sa iba pang parte ng bahay.

Photo credits: OG| Youtube

Loft-style naman ang bedroom ni Anthony. Sa ibabang bahagi ay ang isang sofa bed para sa kaniyang mga bisita samantalang ang itaas na bahagi ay ang kaniyang kama.
Ayon kay Anthony, isa sa kagandahan ng pagpapatayo ng ganitong klaseng bahay ay ang kasimplehan nito na bagay sa kaniyang lifestyle.

Photo credits: OG| Youtube

Photo credits: OG| Youtube

Photo credits: OG| Youtube

Photo credits: OG| Youtube

Photo credits: OG| Youtube

Para sa mga homeowners na nais din magkaroon ng bunker pad, perpekto ito para sa kanila dahil maaari silang magpatayo ng mas maliit o mas malaking bahay na naaayon sa kanilang budget.

Kaugnay nito, nagkakahalaga ng PhP2.5 million ang lupang nabili ni Anthony samantalang PhP650,000 naman ang kaniyang nagastos para sa pagpapatayo ng mismong bahay.

Inside a Bunker Pad Designed to Withstand Any "Apocalyptic" Scenario | Unique Homes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *