Silipin ang Simple ngunit Napakagandang Wooden House na ito na may Napakaaliwalas na Veranda at Outdoor Kitchen

Talagang napakamalikhain ng mga tao pagdating sa pagpapaganda ng kanilang bahay. Sinisiguro din nila na sa dami ng mga tahanan ngayon ay magiging kakaiba pa rin ang kanilang tahanan. Dahil dito, iba-iba ang nagiging hugis, kulay, at mga palamuti sa mga bahay ngayon. Para naman sa iba, pinipili nilang baguhin ang nakagawiang plano ng mga bahay.

Sa pangkaraniwang plano ng mga bahay, kadalasang makikita ang kusina at dining area sa likurang bahagi ng bahay ngunit kakaiba ang bahay na ito dahil sa halip na isang porch o living area ay isang napakagandang al fresco dining space ang sasalubong sa iyo.

Pagpasok pa lamang sa bahay na ito ay makikita agad ang iba’t ibang upuan at hammock. Bukod dito, mayroon ding isang café-style dining table kung saan kasyang-kasya ang limang tao.

Perpekto ang lugar na ito bilang isang dining area at tambayan dahil matatanaw mula rito ang napakagandang view ng garden. Sa kabilang banda naman ng porch ay ang front kitchen.

Talagang malapit ang itsura nito sa open kitchen ng mga restaurants at café. Mapapansin din na maliit lamang ang sukat ng kusinang ito kumpara sa mga kusina na makikita sa loob ng tahanan. Sa kabila nito, kasyang-kasya pa rin ang iba’t ibang kagamitan dahil sa sapat na storage space at kabinet na makikita rito.

Pagdating naman sa loob ng tahanan ay makikita ang mga pribadong kwarto at palikuran. Sa isang kwarto na maaaring magamit bilang master’s bedroom, makikita ang isang queen-sized bed kung saan kasya ang dalawa hanggang tatlong tao.

Mayroon din ditong sapat na ilaw upang mapanatiling maaliwalas ang buong silid. Ang isang kwarto naman ay naglalaman ng double deck. Dahil dito, talaga namang maaaring mamalagi sa bahay na ito ang apat hanggang limang tao.

Dagdag pa rito, talaga namang magiging komportable rin sila sa napakagandang comfort room ng tahanan na mayroong kakaiba at matitingkad kulay.

Bagamat gawa sa kahoy ang ilang bahagi ng bahay, mayroon pa ring malaking parte nito na gawa sa konkretong materyales. Mapapansin nga na tiles ang ginamit para sa flooring nito. Mayroon din itong katamtamang sukat kaya naman humigit-kumulang PhP1 million ang nagastos ng mga homeowners upang magkaroon sila ng ganitong tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *