Silipin ang Native Tiny House na Ito na Perpekto Bilang Isang Bahay Bakasyonan sa Probinsya

Iba’t ibang disenyo ng mga modernong tahanan ang kinagigiliwan ngayon ng mga tao. Sa kabila nito, hindi pa rin maitatanggi ang kagandahan ng mga native na tahanan gaya na lamang ng tiny house na ito.

Talagang native ang itsura ng bahay na ito lalo na at gawa ito sa kahoy. Sa porch pa lamang ng bahay ay siguradong makakapagrelax agad ang homeowners at ang kanilang mga bisita. Mayroon din itong sapat na espasyo kung saan maaaring makapagbonding ang pamilya habang gumagawa ng iba’t ibang aktibidad gaya ng mga indoor games.

x

Maaari din namang magdagdag ng mesa rito kung saan makakapagsalo-salo ang pamilya o magbabarkadang manunuluyan dito. Pagdating naman sa loob ng tahanan ay makikita sa open layout nito ang living area, kusina, at isang kama.

Sa entertainment space ng tiny home ay makikita ang isang telebisyon. Mayroon ding sapat na storage space dito kung saan maaaring ilagay ang iba’t ibang kagamitan ng bahay. Sa ganitong paraan, napapanatili ang kalinisan sa loob nito.

Bagamat walang sofa sa bahaging ito ng bahay, maaari pa ring ma-enjoy ang mga palabas o pelikula sa telebisyon mula sa kama. Gaya naman ng buong bahay gayundin ang iba pang mwebles dito, gawa rin sa kahoy ang kama na ito. Mayroon din itong kurtina upang mabigyan ng pribadong espasyo ang sinumang tutuloy dito.

Ilang hakbang naman mula rito ay mapupuntahan agad ang munting kusina ng bahay. Bagamat limitado lamang ang espasyo para sa parteng ito ng tiny house, magagamit pa rin ang iba’t ibang appliances gaya ng refrigerator.

Mayroon ding ilan pang kagamitan dito kaya naman pwedeng-pwedeng makapaghanda rito ng simpleng mga pagkain. Bukod naman sa simple ngunit magandang disenyo ng bahay, siguradong komportable rin ang sinumang maninirahan dito. Napalilibutan ito ng mga bintana at mayroon ding ceiling fan kaya naman maaliwalas dito at presko buong araw.

Masasabi na talagang perpektong halimbawa ang tiny house na ito ng isang native na tahanan.

At dahil na rin sa sukat at lokasyon ng bahay na ito, swak na swak rin itong gawing isang rest house kung saan talagang ma-eenjoy ninuman ang preskong hangin, katahimikan, at ang simpleng pamumuhay. Maaari din itong gawing inspirasyon para sa pagpapatayo ng mga simpleng farm houses.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *