Silipin ang Napakagandang Wooden Rest House na Ito na Nagkakahalaga ng Hindi Bababa sa Isang Milyong Piso

Hindi maitatanggi ang kagandahan at kakaibang dating na naibibigay ng mga dekorasyon, materyales, at iba pang elemento na gawa sa kahoy. Dahil dito, hindi na nakapagtataka na ginamit ito bilang materyales para sa napakagandang bahay na ito.

Sa malayo pa lamang ay kapansin-pansin na ang rest house na ito. Talagang kumikinang kasi at napakakintab ng kahoy na materyales ng bahay. Bukod sa kagandahan nito, mapapansin din na gaya ng mga bahay kubo ay elevated din ang tiny house na ito kaya naman siguradong ligtas ito tuwing panahon ng tag-ulan. Isa pa, madali ring matatanaw ang kagandahan ng paligid at maaari ding magkaroon ng napakagandang view mula sa bahay.

Isa rin sa agaw-atensyon na feature ng bahay ay ang napakalawak nitong deck.

Bukod sa built-in benches sa isang bahagi ng deck, maaari pang makapaglagay dito ng ilang benches at mesa kung saan makakapagsalo-salo ang pamilya o magkakaibigan. Pwedeng-pwede rin nilang magawa ang iba’t ibang nakakatuwang aktibidad dito.

Dagdag pa rito, magandang lugar din ito para sa oras ng meditasyon. Sa gabi, perpekto rin ito bilang dining space kaya naman kahit walang living at dining area na makikita sa loob ng mismong tahanan, maaari na rin itong magamit bilang entertainment space at dining area.

Sa loob naman ng mismong bahay, makikita ang dalawang bedroom. Mayroon itong malalaking bintana kung saan nakakapasok ang natural na liwanag at ang preskong hangin buong araw.

Dahil dito, masisigurong komportable ang mga maninirahan dito kahit na walang air-conditioning unit ang bahay. Malawak din ang dalawang kwarto kaya naman kasyang-kasya rito ang dalawa hanggang tatlong tao. Maaari ding dagdagan ng ilang kabinet o kaya naman ay vanity table ang bawat kwarto.

At dahil limitado ang espasyo ng rest house na ito, sa kasalukuyan ay wala itong kusina ngunit maaaring gawing kusina ang isang silid. Pwede ring magkaroon ng espasyo para dito sa labas ng rest house. Sa kabila nito, mayroon namang comfort room sa loob ng bahay.

Bukod sa itsura at kagandahan ng bahay, dapat na bigyang-pansin din ang istruktura at materyales na gagamitin para sa pagpapatayo nito upang masiguro na talagang matibay ito.

Dagdag pa sa presyo ng mga materyales, may kalakihan din ang rest house na ito kaya naman hindi bababa sa PhP1 million ang maaaring nailabas noong ipinapagawa pa lamang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *