Silipin ang Loft-Style Tiny House na Ito na Bagay Para sa Maliit at Nagsisimulang Pamilya

Kadalasan, ang mga tiny house ay perpekto lamang para sa mga taong nais na manirahang mag-isa o kaya naman ay para sa mga maliliit na pamilya. Dahil dito, importante ang wais na paggamit ng bawat sulok ng bahay.

Para sa mga property gaya nito na mayroong limitadong espasyo, importante na talagang magamit nang maayos ang lahat ng espasyo. Para sa tiny house na ito, ginamit nila ang karagdagang espasyo sa labas upang maging isang porch.

Photo credits: @AwesomePhils

Mayroon itong maliit na set ng upuan at mesa kung saan maaaring makapagpahinga o kumain ang pamilya. Sapat din ang espasyo dito para sa ilang dekorasyon at bulaklak o kaya naman ay bilang play area ng mga bata.

Photo credits: @AwesomePhils

Pagdating naman sa loob ng tahanan, masasabi na talagang maaliwalas ang maliit ng lugar na ito hindi lamang dahil sa naglalakihang mga bintana ng bahay kundi pati na rin dahil sa kanilang mga kakaibang ilaw na nagsisilbi ring atraksyon at palamuti ng tahanan.

Photo credits: @AwesomePhils

Photo credits: @AwesomePhils

Bubungad din agad ang napakagandang living area. Hindi rin mapapansin ang maliit na espasyo ng buong bahay dahil sa open layout nito kaya naman mula sa living area ay matatanaw at mapupuntahan agad ang bar at living area.

Photo credits: @AwesomePhils

Talagang mahusay ang paggamit nila ng espasyo dahil bukod sa pagiging isang dibisyon sa pagitan ng living at dining area, maaari ding maging karagdagang mesa at upuan ang bar kung sakaling magkaroon ng ilang bisita ang pamilya.

Photo credits: @AwesomePhils

Dagdag pa sa mga silid na ito, mayroon ding loft na posibleng kinalalagyan ng mga kwarto. Isa rin itong wais na paggamit ng espasyo kaya naman kahit limitado lamang ang sukat ng bahay ay maaari pa rin silang magkaroon ng karagdagang mga silid. Bukod sa kagandahan at arkitektura ng bahay na ito, isang malaking konsiderasyon din ang halaga ng pagpapagawa nito.

Photo credits: @AwesomePhils

Mapapansin na bagamat maliit ang tahanang ito ay umabot pa rin sa PhP500,000 ang nagastos ng mga may-ari para sa pagpapatayo nito, marahil ay dahil na rin sa mga dekorasyon at kalidad ng mga materyales na ginamit.

Sa kabila nito, masasabing maganda at swak na swak ang tiny house na ito bilang tirahan ng isang tao o kaya naman ay ng isang maliit na pamilya. Dahil dito, maaari itong magamit bilang inspirasyon ng ibang nais magpatayo ng magandang tahanan sa kanilang limitadong lupa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *