Mamangha sa Tiny House na Ito na Mayroong Roof Deck at Instagrammable na Garden

Kung minsan, bukod sa main house ng ibang mga homeowners ay mayroon din silang ipinapagawang tiny house na nagsisilbing rest house. Gaya naman ng mga main house na ito ay hindi magpapahuli pagdating sa ganda at disenyo ang mga tiny house na ito. Dahil dito, bukod sa pagiging rest house ay hindi imposible na gawin rin itong isang AirBnB unit na bukas sa publiko lalong-lalo na sa mga bakasyunista.

Isang perpektong ehemplo rito ay ang studio-type house na ito. Ang paligid na garden ng tiny house na ito ay masasabing talagang Instagrammable dahil sa naggagandahang mga halaman. Bukod dito, malawak rin ang garden na ito kaya naman iba’t ibang aktibidad ang maaaring magawa rito.

Photo credits: AwesomePhils | Facebook

Napalilibutan naman ng sliding glass doors ang mismong tiny house kaya naman nakakapasok rito ang liwanag at preskong hangin buong araw. Dahil dito, siguradong komportable ang sinumang mamamalagi rito.

Photo credits: AwesomePhils | Facebook

Photo credits: AwesomePhils | Facebook

Sa mismong tiny house naman ay mapapansin ang open layout nito kaya naman bagamat limitado ang espasyo rito, mayroon pa ring sapat na espasyo para sa ilang mahahalagang kagamitan. Sa living area ay mayroong isang sofa at telebisyon upang malibang ang sinumang bibisita sa tiny house na ito. Mayroon ding ilan pang benches at mesa na maaaring gawing dining spaces.

Photo credits: AwesomePhils | Facebook

Photo credits: AwesomePhils | Facebook

Photo credits: AwesomePhils | Facebook

Photo credits: AwesomePhils | Facebook

Photo credits: AwesomePhils | Facebook

Nakadagdag naman sa kagandahan ng bahay na ito ang ilang dekorasyon gaya ng iba’t ibang mga bulaklak at paintings. Mayroon ding sapat na espasyo sa loob ng rest house para sa napakaraming indoor activities na maaaring gawin ng mga bibisita rito.

Photo credits: AwesomePhils | Facebook

Mas magiging komportable rin ang mga bisita dahil sa napakalinis na comfort room sa loob ng tiny house.

Photo credits: AwesomePhils | Facebook

Photo credits: AwesomePhils | Facebook

Photo credits: AwesomePhils | Facebook

Kung nais naman nilang ma-enjoy ang kagandahan ng paligid o kaya naman ay matanaw ang view mula sa lokasyon ng tiny house, maaari silang mamalagi sa roof deck na maaaring mapuntahan sa tulong ng spiral staircase.

Photo credits: AwesomePhils | Facebook

Gaya ng garden at tiny house, marami ding aktibidad ang maaaring magawa rito. Perpekto rin ito bilang pahingahan o tambayan tuwing umaga at gabi.

Photo credits: AwesomePhils | Facebook

Talagang sulit na sulit ang PhP1 million na maaaring mailabas sa pagpapagawa ng tiny house na ito. Bukod sa karagdagang pahingahan ng pamilya ay pwedeng-pwede rin itong pagkakitaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *