Mag-Asawang Senior Citizen, Ipina-renovate ang Kanilang Dirty Kitchen sa Halagang PhP270,000

Totoong mahalaga na maging maganda at komportable ang bawat bahagi ng ating tahanan dahil dito tayo namamalagi, nagpapahinga, at naghahanda ng mga paboritong putahe ng ating mga mahal sa buhay. Ito rin ang dahilan ng mag-asawang senior citizen na ito noong ipina-renovate nila ang kanilang kusina.

Ayon sa mag-asawa, 2004 pa o 18 taon na ang nakararaan nang manirahan sila sa kanilang family home sa Cagayan de Oro.

Mula rin noon hanggang ngayon ay ginagamit na ng kanilang pamilya ang dirty kitchen para sa paghahanda ng kanilang pagkain ngunit dahil nga sa katagalan ng bahay ay unti-unti na ring naging hindi kaaya-aya ang itsura nito.

Wala itong bubong kaya naman tuwing tag-ulan ay kinakailangan pa nilang gumamit ng payong habang nagluluto.

Photo credits: Homeowners | Facebook

Wala ring maayos na storage space sa dirty kitchen na ito kaya naman mapapansin na hindi gaanong organisado ang mga kagamitan dito. Sa isang bahagi rin ng kusinang ito ay makikita ang isang drying space.

Nagdesisyon naman ang mag-asawa na pagandahing muli ang kanilang dirty kitchen dahil kinahihiligan ng kanilang manugang ang pagluluto.

Dahil dito, humingi sila ng tulong mula sa isang architect upang mabigyan ng bagong mukha ang kanilang lumang kusina.

Nagtulungan din ang mag-asawa mula sa pagpili ng mga materyales hanggang sa pagdidisenyo ng kanilang 9 sqm. na dirty kitchen. Matapos nga ang 45 na araw ay natapos din ang konstruksyon at pagpapaganda ng bahaging ito ng kanilang bahay. Malayong-malayo na rin ito sa dati nitong itsura.

Photo credits: Homeowners | Facebook

Photo credits: Homeowners | Facebook

Kung dati ay nahihirapan ang kanilang pamilya sa paggamit ng kusina tuwing panahon ng tag-ulan, ngayon ay komportable na silang nakakapagluto dahil sa kanilang bagong bubong. Sa isang bahagi ay makikita ang kanilang stove at oven.

Photo credits: Homeowners | Facebook

Mayroon din silang malawak na counter space at sapat na storage areas para sa iba’t ibang kagamitan ng kanilang kusina. At dahil mayroon pa silang karagdagang espasyo, ginawa nilang laundry space ang isang maliit na espasyo ng kusina.

Photo credits: Homeowners | Facebook

Dito rin nila inilagay ang sink na mayroong sapat na laki kaya naman maaari din nila itong magamit sa paglalaba.

Photo credits: Homeowners | Facebook

Ayon sa mag-asawang ito, talagang kuntento sila sa bagong itsura ng kanilang kusina. Talaga namang sulit na sulit ang PhP270,000 na kanilang inilaan para sa renovation ng kusinang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *