Mag-asawa Nagpagawa ng Agaw Atensyong Municipal Inspired House sa Iloilo City na ang Disenyo sa Loob ay Hango sa Kulturang Filipino, “We wanted to breathe Filipino culture into our own house.”

Agaw-pansin ngayon ang isang tahanan na ang hitsura ay parang mukhang munisipyo, ito ay matatagpuan sa Jaro, Iloilo. Ayon sa ulat ang tahanan na ito ay pagmamay-ari ng pamilya ni Dr. Elvie Razon-Gonzales, dahil para sa kanila ay isa itong napakaganda at napaka-perpektong inspirasyon.

Photo credits: realliving | Youtube

Pagbabahagi ni Dr. Elvie, isa sa mga mayamang architecture sa Iloilo nagdesisyon sila na maging ganito ang disenyo ng kanilang tahanan dahil sa nais nilang maging repleksyon ito ng old-world beauty ng kanilang lugar. Dagdag pa niya, ang kanyang asawa din kasi ay napaka-patriotic pagdating sa history.

“My husband is also very patriotic and loves history. We wanted to breathe Filipino culture into our own house.”

Photo credits: realliving | Youtube

Kamakailan lamang ay nakapanayam ng Real Living si Dr. Elvie, at dito ay kanyang ibinahagi na isa rin sa mga dahilan kung bakit tila isang munisipyo ang disenyo ng kanilang tahanan ay dahil sa nais nilang ma-merge ang Filipino heritage at ang ilan sa mga personal history ng kanilang pamilya.

“We wanted to merge Filipino heritage and our personal family history.”

“We wanted every piece of our house to have a story of its own.”

Pagbabahagi naman ng mister ni Dr. Elvie na si Dr. John Paul, gusto ng misis niya ang disenyo ng dating Jaro Municipal Station at nais din nila na magmukhang functional, quit at may good ventilation ang kanilang magiging tahanan kaya naman mas napili nila ang ganitong disenyo.

“She liked the old Jaro Municipal Station,” saad ni Dr. John Paul.

Dagdag pa niya, “I just wanted a home that is functional [and] quiet, and [has] good ventilation.”

Photo credits: realliving | Youtube

Makikita naman sa hitsura ngayon ng tahanan ng mag-asawa na na-achieve nila ang gusto nilang disenyo ng tahanan, at ito ay dahil na din sa pagamit umano nila ng AAC (autoclaved aerated cocrete) blocks imbis na hollow blocks ang gamitin sa dingding. Ang AAC blocks ay nakakatulong din umano sa sound-proof ng mga silid.

Photo credits: realliving | Youtube

Photo credits: realliving | Youtube

Samantala, ang tahanan na ito nina Dr. Elvie ay hindi lamang hinahangaan ngayon dahil sa mala-munisipyo nitong disenyo, dahil maging ang interior nito ay tunay na kahanga-hanga din. Pagpasok pa lamang sa tahanan na ito ay agad na bubungad ang high-ceiling at sa napakahabang hallway naman nito ay makikita nan aka-display ang mga gawa ng mga Ilonggo artists.

Photo credits: realliving | Youtube

Photo credits: realliving | Youtube

Photo credits: realliving | Youtube

Ayon sa mag-asawa, nais nilang ipakita sa kanilang mga anak ang mga art collection nila na ito, kaya naman talagang naka-display ito sa hallway.
Pagbabahagi pa ni Dr. Elvie, ang tahanan niilang ito ay may temang 1920’s at 2020’s, at makikita naman talaga ito sa bawat kagamitan at kasangkapan na mayroon sila.

“The theme or the story of our house is ‘bringing the 1920s to the 2020s,'” ani Dr. Elvie.

Photo credits: realliving | Youtube

Photo credits: realliving | Youtube

Kapansin-pansin din na ang buong tahanan na ito ng pamilya ay halos lahat ng materyales na ginamit at sa Pilipinas lamang gawa, katulad na lamang ng machuca tilesat ng wooden chandeliers na agad makikita pagpasok ng tahanan.

Photo credits: realliving | Youtube

Photo credits: realliving | Youtube

Pagbabahagi pa ni Dr. Elvie na isa ring writer at poet, bawat bahagi ng tahanan nilang ito ay talagang paborito niya, ngunit ang talagang madalas niyang tambayan ay ang kanyang personal space at ito ay ang personal library niya kung saan napakaraming mga art at libro. Ang paborito naman ni Dr. John Paul na bahagi ng kanilang tahanan ay ang kanilang family room kung saan naman nanonood ito ng mga pelikula at dito na rin ito nag-e-ehersisyo araw-araw.

Kakaibahay Episode 01: A Family Home Inspired By An Art Deco Municipal Hall in Iloilo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *