Mag-asawa Kinonvert ang kanilang Nabiling Lumang Bahay na Ngayon ay Isa Nang Napaka Ganda at Instagrammable na Content Creation Studio

Karaniwang ipinapa-renovate ang mga lumang tahanan upang maging bagong bahay o kaya naman ay para magamit bilang rest house. Ngunit kakaiba ang property na ito dahil mula sa lumang itsura nito ay nagagamit na ito ngayon bilang isang studio.

Makikita ang 200 sqm. na studio na ito nina Kyla Zuñiga-Salas at Robi Salas sa Antipolo, Rizal. Ayon kay Kyla, lumang-luma na ang property na ito ngunit matibay pa ang istruktura kaya naman minabuti nilang ipa-renovate na lamang ito.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Perpekto rin ang proyektong ito para sa mag-asawa dahil si Kyla mismo ang nagdisenyo ng studio. Nakatipid din sila sa gastusin ng mga materyales at sa huli ay hindi hihigit sa PhP1 million ang kanilang nagastos.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Sa labas ng lumang bahay, makikita na mayroong konkretong bakod ang property na ito ngunit minabuti nilang tanggalin na lamang ito upang magkaroon sila ng mas malawak na parking space.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Pagpasok naman sa loob, makikitang kulay puti ang tema nito. Kwento ni Kyla, nais nilang magkaroon ng isang kakaibang espasyo gaya nito kaya naman kumuha sila ng inspirasyon at iba’t ibang ideya mula sa Pinterest. Siniguro din nila na ang bawat sulok ng bahay na ito ay masasabing Instagrammable at talagang magagamit sa anumang photoshoot.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Mapapansin din ang napakasimpleng living area ng bahay. Mayroon itong plain walls kaya naman napakadali lamang nitong lagyan ng dekorasyon na naaayon sa tema ng photoshoot.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Maging ang mga couch at salamin dito ay maaari ding magamit sa kanilang content creation. Pagdating naman sa dining space ay makikita na mayroon itong isang mesa at textured wall na maaari pa ring gamitin bilang photography space.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Bukod dito, perpektong lugar din ang kanilang kusina para sa kanilang food content dahil pwedeng-pwede ritong makapagluto ng iba’t ibang putahe.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Ginamit naman nila ang dating basement ng bahay bilang make-up at dressing room. Talaga namang napakalawak ng espasyong ito na tinatawag din nilang VIP room. Kasyang-kasya rito ang ilang make-up artists at modelo kaya naman siguradong magiging komportable sila rito.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Makikita rin sa bahaging ito ang comfort room. Para naman sa unang pribadong kwarto at comfort room sa ikalawang palapag, hango ang disenyo nito sa Mediterranean na tema samantalang ang ikalawang kwarto naman ay mayroong French na disenyo.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Talagang napakaganda ng studio na ito ngunit ayon kay Robi, mainam na pumili ng mapagkakatiwalaang tao. Makatutulong din umano kung pagpaplanuhang mabuti ang budget ng ganitong klaseng proyekto. Higit sa lahat, mas makabubuti kung gagamit ng magandang mga materyales para sa pagpapagawa o pagpapa-renovate ng isang tahanan.

Renovation Ideas: Goodbye Old House, Hello Cozy Minimalist Content Creation Studio | Unique Homes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *