Mag-asawa Bumili ng 2.3 Ektaryang Lupain sa Calatagan Batangas at Pinatayuan ng 4 na Nagagandahang Villas na Hango ang Disenyo sa Kulturang Pilipino

Wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam na lahat ng pinaghirapan mo sa ilang taon na pagtratrabaho ay tinatamasa mo na at nilalasap. Katulad nalang ng mag-asawang ito na retirado kung saan nagpagawa sila ng kanilang retirement home sa kanilang 2.3 hectares na farm.

Welcome sa napakagandang farm ng “Ybonita” kung saan kinuha ang pangalan nito sa pangalan ni Mary Yvonne “Ybonita” Mangrobang Cuanan, ang nagmamayari ng napakagandang farm na ito.

Photo credits: OG | Youtube

Matatagpuan ang mala paraisong farm na ito sa Barangay Santa Anna, Calatagan Batangas, Mayroong apat na nagagandahang villas na ang disenyo ay naka base sa kulturang pinoy na talaga namang hahangaan ng mga bibisita dito.

Photo credits: OG | Youtube

Ang napakagandang farm na ito ay bunga ng dugo at pawis ni Mary Yvonne at ng kanyang asawa sa halos ilang dekada nilang pagsusumikap at pagtratrabaho. Binili ng mag-asawa ang 2.3 hektaryan lupain na ito sakanilang lolo upang dito nila itatayo ang kanilang pangarap na retirement home.

Photo credits: OG | Youtube

Plano lamang nila noong una na gawin itong bakasyunan ng kanilang pamilya tuwing weekend, nagpatayo ang mag-asawa ng bahay dito ngunit dahil hindi kalakihan masikip sila ng kanilang mga anak kapag nagbabakasyon dito, kaya naman napagdesisyonan nilang maglagay pa ng dalawa pang villa na magsisilbing tirahan ng kanilang mga anak at kaibigan na mga dumadalaw dito.

Photo credits: OG | Youtube

Dahil sa sobrang ganda ng lugar na ito halos every week ay mayroon silang mga bisitang kaibigan ng kanilang mga anak, kaya naman naging malaki ang kanilang bills sa kuryente at sa ibang pang pangangailang sa farm kaya naman nagdesisyon ang kanilang pamilya na bakit hindi nalang nila ito ipasok sa Airbnb at iparent-out sa mga taong gustong maranasan ang nakakarelax na vibe ng lugar na ito.

Dito na nagsimula sumikat ang kanilang napakagandang farm kung saan madami na ang bumibisita sakanila. Naging marami narin ang improvement sa farm nilang ito at nakapagdagdag pa sila ng isa pang villa.

Coconino Villa

Sa latest video na inilabas ng Only Good Content (OG) sa youtube, unang ipinakita ng anak ni Mary Yvonne ang kanilang unang villa kung saan pinangalanan nila itong coconino villa na maaring tuluyan ng dalawang tao. Ang villa na ito ay tinatawag nilang honeymoon villa at kaya naman Coconino villa ang pinangalan nila dito ay dahil halos lahat ng materyales na ginamit dito at halos lahat ng nasa loob ng villang ito ay galing sa coconut tree.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Sa loob ng villa na ito ay makikita ang isang Queen Size bed, samantala high ceiling naman ito at napaka elegante ng disenyo.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Mayroon din itong sariling comfort room na talang perpekto sa couple na gustong mag honeymoon sa napakagandang lugar na ito. Mayroon din itong Tv, Aircondition, maliit na refrigerator at radio system.

Ypugo Villa

Mamamangha ka naman sa Ypugo Villa dahil sa napakagandang disenyo nito na Ifugao inspired villa, Mayroon itong dalawang palapag. Sa unang palapag matatagpuan ang napakaganda at eleganteng lanai area, dito din matatagpuan ang comfort room.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Sa ikalawang palapag naman matatagpuan ang bedroom na kumpleto din ng kagamitan. Pagpasok palang talagang hahanga ka sa ganda ng pagkakadisenyo ng kwartong ito kung saan parang bumalik ka sa sinaunang panahon.

Photo credits: OG | Youtube

Caceres Villa

Ang villa naman na ito na kanilang ipinagawa ay hango sa spanish na disenyo, matatagpuan sa loob ang dalawang queen size bed, telebisyon, water dispenser, bar fridge at 2-way radio. Sa labas naman ng villa na ito ay mayroong lamesa at wooden chair bed. Maari naman itong maukupa ng 3 hanggang apat na katao.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Yvatan Villa

Ang villa naman na ito ay hango sa disenyo sa mga bahay sa batanes. Nakuha ng pamilya nila ang idea at disenyo nito noong namasyal sila sa napakagandang lugar ng batanes. Ito naman ang pinakamalaking villa nila sa kanilang farm kung saan kasya ang isang malaking pamilya. May dalawang palapag ang villa na ito kung saan mayroong kwarto sa baba at taas.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Mayroon din itong napakalaking lanai area na pwedeng pwede sa malaking pamilya.

Photo credits: OG | Youtube

Kapansin pansin din ang kanilang napakagandang mahognay road na nagsisilbing main road papunta sa lahat ng kanilang mga villas.

Photo credits: OG | Youtube

Talagang hahanga ka sa ganda ng farm na ito at ng kanilang mga naipatayong villas na halos lahat ng disenyo ay kinuha sa kulturang pinoy. Para sa mga gustong bumisita sa mala paraisong lugar na ito maari ninyo silang makontak sa kanilang Facebook Page na Ybonita Farm and Villas.

This Farmhouse with Four Villas Might Be the Most Beautiful Rental in Batangas | Amazing Staycations

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *