Puno ng inspirasyon ang kuwento ng buhay na ibinahagi ng isang netizens, kung saan ay kanyang ibinahagi kung paanong sa kabila ng kahirapan ay natamo niya pa rin at nakamit ang maganda at maginhawang buhay na pinapangarap niya. Pinatunayan din ng netizens na ito na ang kahirapan, ay hindi kailanman hadlang para makamit ang inaasam na kaunlaran at kaginhawaan.
Kuwento ng netizens, nagmula siya sa pamilyang simple at payak lamang ang pamumuhay, ngunit sa kabila nito ay mataas ang kanyang pangarap kaya naman sa murang edad niya ay nagsumikap na siya.
Photo credits: Robin Paz Jr. | Facebook
Sa murang edad ay nagbebenta na siya ng mga dyaryo, bakal, plastic at naglalako ng ukay-ukay para magkaroon ng sarili niyang pera at makatulong sa kanyang pamilya.
“Nanggaling aki sa isang simpleng pamilya pero mataas may mataas na pangarap. Sa murang edad nagbebenta na ako ng plastic, dyaryo at bakal. Natutunan ko rin maglako ng ukay-ukay para makatulong sa aking pamilya”, pagbabahagi ng netizens na si Robin Paz Jr. sa Facebook page na Home Buddies.
Saad pa niya, nagsumikap siyang makapagtapos ng pag-aaral, dahil pangarap niya na dumating ang araw na maiparanas niya sa kanyang pamilya ang maganda at maginhawang buhay lalo na nga sa kanyang mga magulang.
Pagbabahagi pa ni Robin, matapos niyang makapagtapos ay iba’t ibang mga trabaho ang kanyang sinubukan, hanggang sa nahanap niya ang trabahong nagpa-ahon sa kanila sa kahirapan at ito ay ang pagiging Financial Advisor niya.
Photo credits: Robin Paz Jr. | Facebook
Aminado naman siya na hindi madali ang maging isang financial advisor, ngunit dahil sa kanyang kagustuhan na makatulong sa iba at nagsikap at nagtiyaga siya hindi lang para sa sarili niya kundi para din maging instrument siya pagbago ng buhay ng iba.
“Sumubok ako ng maraming trabaho hanggang nahanap ko ang trabahong aahon sa amin sa kahirapan. Di madali ang pagiging Financial Advisor. Ngunit sa kagustuhan kong makatulong sa ibang tao, nagsikap at nagtiyaga ako para ako’y maging instrument sa pagbago ng buhay ng iba”, aniya pa.
Hindi lamang ang maayos at magandang trabaho ang dumating sa buhay ni Robin, dahil maliban pa dito, nabiyayaan din siya ng mapagmahal, mabuti at maarugang asawa, ang babaeng nakilala niya noong siya ay kolehiyo pa lamang.
Ayon sa kanya, silang mag-asawa ay prehas na nagsumikap kung saan ang araw at gabi ay talagang sinisipagan nila, kaya naman naging bunga nito ay ang katuparan ng isa sa mga pangarap nila at ito ay ang bahay nila ngayon sa Cavite, na hindi lamang malaki at maganda, kundi napaka-moderno pa ng mga kagamitan.
Photo credits: Robin Paz Jr. | Facebook
Photo credits: Robin Paz Jr. | Facebook
Photo credits: Robin Paz Jr. | Facebook
Photo credits: Robin Paz Jr. | Facebook
Photo credits: Robin Paz Jr. | Facebook
Photo credits: Robin Paz Jr. | Facebook
Photo credits: Robin Paz Jr. | Facebook
Photo credits: Robin Paz Jr. | Facebook
Photo credits: Robin Paz Jr. | Facebook
Photo credits: Robin Paz Jr. | Facebook
Photo credits: Robin Paz Jr. | Facebook
Photo credits: Robin Paz Jr. | Facebook
Photo credits: Robin Paz Jr. | Facebook
Mas lalo pa ngang naging masaya ang buhay nilang mag-asawa ngayong taon, dahil sa napakagandang biyaya na ibinagay sa kanilang ng Diyos at ito ay ang pagdating ng kanilang anak na si Candace Grace.
“At sa taong ito, ibinigay sa amin ni Lord si Candace Grace, ang pinakamahalaga at pinakamagandang pangarap naming mag-asawa”, aniya pa.
Pangako naman niya sa kanyang mag-ina, “Pupunuin natin ng saya, magagandang alaala at higit sa lahat pagmamahal ang ating munting tahanan.”
Ani pa ni Robin, “I think God blesses me so much because He wants me to be a channel of blessings to people and to be an instrument to inspire others to work in order to achieve their goals.”