Lalaking Dating Namasukan Bilang Dishwasher, Helper, Waiter, at Nakatira sa Maliit na Kubo, Isa na ngayong Negosyante at Nakatira sakanyang 3-Storey House

Puno ng kulay at kapupulutan ng inspirasyon ang buhay ng 52-taong gulang na si Adelio Garcia. Magmula kasi sa tinitirhan niyang bahay-kubo noon, sinong mag-aakala na ngayon ay naninirahan na siya sa isang mansion na pag-aari niya mismo.

Ang kuwento ng tagumpay ni Adelio ay sinasalamin ang dati niyang bahay na kubo, pero ngayon ay isa nan gang mansion.

Noong nakaraang taon ng 2021 buwan ng Mayo ng ibahagi ni Adelio sa kanyang Facebook account ang before-and-after photos ng kanyang tahanan, kung saan dito makikita ang malaking pagbabago sa estado ng kanyang buhay. Magmula kasi sa kanyag payak na tahanan na isang bahay kubo, ngayon ay isa na itong napakalaking tahanan na mayroong tatlong palapag.

Makikita ang post na ito ni Adelio sa Facebook home community na Home Buddies kung saan ay ibinahagi din niya na ang bahay-kubo na nasa before photos ay ang tahanan ng kanyang ama at madrasta. Saad pa niya, siya ay pinalaki ng kanyang lola, dahil sa maaga siyang naulila sa ina.

Kalakip nga ng before-and-after photo ng tahanan na ibinahagi ni Adelio ay ang paglalahad din niya ng kuwento sa kung paano niya nakamit ang tagumpay sa buhay na tinatamasa niya ngayon. Ayon sa kanya, kaagad siyang sumabak sa pagtatrabaho nang siya ay makapagtapos ng High school, at ng mga panahon na ‘yon ay 17-taong gulang lamang siya.

Dinala umano siya ng kanyang tiyuhin sa Maynila kung saan siya namasukan bilang isang dishwasher/helper sa Joe Kuan, isang ‘noodle house’ na matatagpuan noon sa kanto ng Tandang Sora at Commonwealth Ave.

Maliban dito ay naranasan din niyang maging burger joint, at waiter sa Manila Peninsula sa Makati Sports Club, at Padi’s Point sa Antipolo.

Ang talaga namang nagpabago sa buhay ni Adelino ay ng masuwerte siyang nakapasok sa home depot, kung saan dito nagsimula ang pakikibaka niya bilang isang sales/ahente hanggang sa naging sales supervisor siya. Matapos dito ay tatlong taon din na nagtrabaho si Aedelino sa isang tiles company.

Gamit ang kanyang mga karanasan, lalo na pagdating sa sales, pagsapit ng taong 2010 ay nagdesisyon si Adelino na pasukin ang pagsu-supply ng tiles, at ito’y nasimulan niya matapos niyang makahiram ng puhunan sa kanyang tiyuhin.

Dahil sa kanyang kasipagan at tiyaga, pagalipas ng dalawang tao, nakamit ni Adelino ang pag-asenso na minimithi niya, at nagawa niyang makabili ng sarili niyang kotse. Taong 2018 naman ng maipatayo niya ang bahay niya sa Neuva Ecija at ito ay nakumpleto sa loob ng isang taon.

“Hindi rin biro ang hirap na inabot ko sa pagnenegosyo. Halos one-man show ako”, ani Adelino.

Maliban sa negosyo ngayon na tile supply ni Adelino ay gumagawa na rin sila ngayon ng mga modular cabinet, walk-in-closet at mga toilet portion. Ang kanyang itinayong negosyo ay talagang naging matagumpay dahil sa kanyag kasipagan at diskarte. Buong pagmamalaki din niyang ibinahagi na sa kasalukuyan ay mayroon na siyang 14 na empleyado at kumpleto ang ibinibigay niyang benefits sa mga ito na hindi niya kinakaltas sa sahod ng mga ito.

Dahil sa tagumpay ni Adelino sa pagnenegosyo, hindi lang bahay sa Nueva Ecija ang naipundar niya, mayroon na din siyang high-rise condo unit ngayon sa Quezon City kung saan siya nakatira dahil dito ang lokasyon ng business niya.

Mayroon na din siyang kaunting farm sa Nueva Ecija na ayon sa kanya ay taniman ng palay.
Ibinahagi naman ni Adelino kung ano ang nagig sikreto niya, na siya niya ngayong payo para sa lahat na patuloy na nangangarap na maging matagumpay sa buhay.

“Yung instead na humingi ka ng biyaya sa Diyos, ang lagi kong dinadasal, na bigyan ako ng wisdom of knowledge na di ko nakuha sa pag-aaral.

“Wala pong imposible sa taong nagsisikap basta manatili po sa atin ang kababaang luob at pananampalataya sa Panginoon.”

Ang nakaka-inspire na kuwento ng buhay at tagumpay na ito ni Adelino ay ibinahagi niya sa PEP.ph noong nakaraang linggo sa pamamagitan ng direct messaging.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *