Tunay na nakaka-proud ang makapagpundar ng sariling tahanan, lalo na kung ito’y bunga ng iyong pawis sa pagtatrabaho.
Kaya naman isang OFW ang kamakailan lamang ay buong ipinagmamalaking ibinahagi ang naipundar niyang bahay, na katas ng pagtatrabaho niya bilang isang OFW magmula pa noong taong 2015.
Sa ibinahaging larawan ng OFW, ay makikita na ang kanyang naipundar na tahanan ay hindi pa ganu’n katapos, ngunit napakasarap naman talagang isipin na ito ay nabuo dahil sa kanyang pagsusumikap sa trabaho at sa pagmamahal niya sa kanyang pamilya na nais niyang mabigyan ng isang maayos at kumportableng tahanan.
Makikita naman na ang tahanan na ito ng OFW ay mayroong ornate furnishing na gawa sa kahoy ang loob at labas na mas nagbigay pa ng ganda dito.
Kapansin-pansin din ang pyramid roof design nito na talagang pinili nilang maging ganito ang disenyo, dahil sa mas matibay ito lalo na pagdating sa malakas na hangin na dala ng bagyo.
Tulad ng ibang mga tahanan, unang sasalubong sa tahanan na ito ng OFW ay ang kanyang beranda, kung saan ay dito maaring i-welcome ang mga bisita. Nagmukha namang stylish ang beranda dahil sa stone-inspired na idinesenyo dito, idagdag pa ang stainless steel porch railings nito.
Tila naman nahihilig sa wood ang naturang OFW, dahil halos karamihan sa kanyang mga furnitures ay ‘made in wood’ tulad na lamang ng kanyang sofa, dining set at maging ang divider na naghahati sa kusina at sala.
Maging sa mga bedroom ay mga gawang kahoy din ang kama na nilagyan lamang ng kutson at magandang cover.
Mayroon ding maayos at malinis na bathroom ang tahanan na ito ng OFW, kung saan may glass enclosure pa ito na siyang naghahati sa toilet at bath area. Mapapansin din na hindi isang PVC ang pinto nito kundi isa ring wood doors.
Ayon naman sa ulat, maaring umabot sa Php1.3 milyon ang halaga sa pagpapagawa ng ganitong tahanan.
Sa panahon ngayon ay hindi na biro ang magpatayo ng tahanan, ngunit tunay na kapag mayroong sipag at tiyaga, ay maari pa rin itong makamtan.