Isang Netizen Ibinahagi ang kanyang Simple at Tradisyunal na Amakan House na Ginawa lamang sa Loob ng Tatlong Linggo

Sa dami ng mga modernong tahanan ngayon na gawa sa konkretong materyales, nakakatuwa pa rin na mayroong iilang tahanan na gawa pa rin sa tradisyunal na materyales gaya ng kahoy at amakan. Bagamat simple lamang ang itsura ng mga ito, walang duda na napakaganda pa rin nito at higit sa lahat ay komportableng nakakapagpahinga ang mga naninirahan dito.

Isang halimbawa rito ay ang simpleng tahanan na ito. Makikitang gawa ito sa iba’t ibang materyales gaya ng kahoy, amakan, at kakaunting konkretong mga materyales. Mapapansin na ang ibabang bahagi ng mga dingding ay gawa sa konkretong materyales samantalang ang itaas na bahagi naman ay gawa sa amakan.

Dahil dito, talagang sigurado na mas matibay ang buong bahay. Gaya naman ng ibang pangkaraniwang mga bahay ay mayroon itong isang porch. Tamang-tama ang sukat nito para sa simpleng salo-salo ng pamilya. Maaari din namang maglagay dito ng karagdagang upuan o kaya naman ay mga palamuti at bulaklak upang lalo pang maging kaaya-aya ang itsura ng bahay.

Pagdating naman sa loob ng tahanan, mapapansin na limitado lamang ang espasyo ng mga common areas gaya ng living room, dining area, at kitchen. Sa kabila nito, nakakabilib na hindi mukhang masikip sa loob ng tahanan dahil sa wais na paggamit ng kanilang espasyo. Mapapansin na ang kanilang mga furnitures ay makikita sa isang bahagi ng bahay. Sa ganitong paraan, nagkaroon sila ng sapat na espasyo para sa ilang dekorasyon.

Nagsisilbi rin ito bilang daan patungo sa dalawang kwarto ng bahay.

Sa likurang bahagi ng bahay na ito ay makikita ang dining area at kusina.

At dahil limitado din ang espasyo sa parteng ito ng bahay, mapapansin na ang mga importanteng kagamitan lamang ang makikita rito kaya naman talagang komportable ang paghahanda ng kanilang makakain.

Kumpara sa mga bahay ngayon, talagang ibang-iba ang materyales na ginamit para sa napakagandang bahay na ito ngunit masasabing komportable at kuntento pa rin ang mga naninirahan dito. Base naman sa disenyo at materyales ng bahay na ito, higit na mas mababa ang halagang nagastos para maitayo ito.

Kumpara sa ibang tahanan na umaabot sa milyon-milyon ang halaga, maaaring maglabas ng PhP300,000 hanggang PhP500,000 ang mga homeowners na nais magpatayo ng bahay na gawa sa amakan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *