Connect with us

Stories

Isang Misis Inunfriend ang Kanyang Asawa sa FB, ang kanyang rason, Hinangaan ng mga Netizens

Normal sa mga mag-asawa ang mga hindi pagkakaunawaan. Kadalasan, ang ilang mga bagay at sitwasyon ay napag-uusapan at nareresolba agad. Ngunit kung minsan, naibabahagi sa social media ang mga hindi pagkakaintindihan na ito. Isang halimbawa dito ay ang misis na nag-viral nang i-unfriend niya ang kaniyang asawa sa Facebook.




Ibinahagi ni Nicole Joanne Meilat ang kaniyang naging rason kung bakit unfriended na ang kaniyang asawa sa Facebook. Kwento niya sa kaniyang post, insensitibo raw kung minsan ang mga kalalakihan.

Photo credits: Joanne Meilat-Paguyo | Facebook

Sa kaso ng kaniyang asawa, hindi raw nito pinapansin ang mga posts ni Nicole kung saan naka-tag ang kaniyang asawa. Maging ang mga litrato ng kanilang pamilya ay hindi rin daw napapansin. Nakaramdam naman ng tampo si Nicole lalo na noong nalaman niyang mayroong mga comment ang kaniyang asawa sa Facebook posts ng iba. Dahil dito, napagdesisyunan niyang i-unfriend ang asawa upang hindi na niya makita ang mga ginagawa nito.

Photo credits: Joanne Meilat-Paguyo | Facebook

Dagdag ni Nicole, isang linggo rin ang dumaan bago makita ng kaniyang asawa na hindi na sila “friends” sa social media site na ito. Sa ilang text messages ng kaniyang asawa, nakiusap ito kay Nicole na maging “friends” ulit sila sa Facebook ngunit palagi rin niya itong tinatanggihan.

Photo credits: Joanne Meilat-Paguyo | Facebook


Photo credits: Joanne Meilat-Paguyo | Facebook

Photo credits: Joanne Meilat-Paguyo | Facebook

Ito ay dahil kung minsan daw ay hindi na maganda ang naidudulot ng social media sa relasyon ng mga mag-asawa. Sa katunayan, gumaan ang kaniyang pakiramdam dahil sa kaniyang pag-unfriend sa asawa.

Photo credits: Joanne Meilat-Paguyo | Facebook




Photo credits: Joanne Meilat-Paguyo | Facebook

Mas gumanda rin daw ang relasyon nila ngayong hindi na sila konektado sa social media. Kahit na lagi silang magkasama, may mga bagay pa rin daw na hindi nila alam tungkol sa isa’t isa. Kaya naman sa halip na ibahagi nila ito sa social media ay kinukwento na lamang nila sa isa’t isa. Dahil dito, mas humahaba ang kanilang mga pag-uusap.

Totoong hindi maiiwasan ang mga away sa pagitan ng mga mag-asawa ngunit mas mainam pa rin na huwag nang ibahagi sa social media ang mga personal na isyu. Sa sitwasyon ni Nicole at ng kaniyang asawa, nakatulong ang paglayo nila sa social media upang mas maging malapit sila at upang mas maging matibay ang kanilang pagsasama. Dahil rin sa kanilang palagiang personal na pag-uusap, mas naging maayos ang kanilang komunikasyon sa isa’t isa.

error: Content is protected !!