Isang Mapagmahal at Creative na Ama Ibinahagi ang Ginawang DIY Bedroom Makeover Para sa Kaniyang Dalawang Anak

Totoong nakakabilib kung ano ang nagagawa ng mga magulang upang masiguro lamang na komportable ang kanilang mga anak. Bukod sa paghahanap buhay at pagbibigay ng mga pangangailangan ng kanilang mga anak, sinisiguro din ng ilang mga magulang na talagang komportable ang kanilang mga anak sa kanilang sariling tahanan.

Binigyan nga ng bagong mukha ng tatay na ito ang kwarto ng kaniyang dalawang anak. Mayroong kulay puti at pink na tema ang buong kwarto. Mula naman sa kanilang simpleng bunk bed, ngayon ay talagang napaka-cute na nito.

Mapapansin ang mga floral at hugis pusong disenyo. Bukod sa nakakabilib na itsura ng bunk bed, siniguro din ng tatay na ito na talagang ligtas ang kaniyang mga anak dahil matibay ang pagkakagawa sa bunk bed na ito.

Sa kabilang gawi naman ng kwarto ay mayroong inilaan na espasyo para sa mga sapatos ng magkapatid. Dagdag pa rito, ginamit rin nila ang karagdagang espasyo ng kwartong ito para sa study area ng magkapatid. Ang dingding nito ay gawa sa tiles na mayroong kakaibang disenyo. Mapapansin din na mayroong sapat na storage space sa kwartong ito para sa iba’t ibang mga kagamitan ng mga bata.

Pwedeng-pwede rin itong paglagyan ng mga dekorasyon o kaya naman ay ang kanilang mga laruan upang mapanatili ang kalinisan sa loob ng kwartong ito. At dahil nagmukhang malawak ang espasyo ng kwartong ito, maaari pang makapaglagay ng ilang mesa at upuan upang komportableng makakapag-aral ang magkapatid.

Talagang maganda ang naging resulta ng munting proyekto ng tatay na ito. Kung susumahin, maaaring umabot sa PhP50,000 hanggang PhP150,000 ang halagang magagastos para sa makeover na ito ngunit base sa dami ng mga taong magtatrabaho para dito gayundin ang mga materyales at disenyong ilalagay rito, hindi imposible na magbago pa ang halagang mailalabas para sa mga makeover na gaya nito.

Sa kabila nito, makikita naman na talagang sulit na sulit ang gastos, pagod, at oras na inilaan ng tatay na ito para sa kaniyang DIY na proyekto. Ito ay dahil mapapansin ang kasiyahan ng kaniyang mga anak sa mga litrato. Kuntento rin sila at proud na proud sa ginawang ito ng kanilang tatay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *