Isang Malikhain na Ama, Ginawang Playhouse ng kanyang Anak ang Maliit na Storage Space sa Ilalim ng Kanilang Hagdanan

Bukod sa pag-aaral, totoong mahalaga ang paglalaro para sa maayos na paglaki ng mga bata kaya naman importante rin na magkaroon sila ng maayos at komportable na espasyo para sa kanilang paglalaro. Dahil dito, gumawa ang tatay na ito ng isang playhouse para sa kaniyang anak.

Kung ang ibang playhouse ay karaniwang makikita sa labas ng tahanan, ginawa lamang ang munting playhouse na ito mula sa espasyo sa ilalim ng hagdan. Bago pa man ito maging isang playhouse ay dati nang nagagamit ang espasyong ito bilang storage space kaya naman unang nilinisan at tinanggal ang mga kabinet dito.

Para naman magmukhang isang playhouse ang dating storage space na ito, gumamit ang tatay na ito ng plywood kung saan siya nakapaglagay ng pinto at mga bintana.

Mayroon din itong mga bulaklak bilang dekorasyon kaya naman kung titingnan ay talagang mukhang isang bahay ang playhouse na ito.

Upang lalong maging mas kaaya-aya ang playhouse, pininturahan ito ng kulay purple. Hindi rin nakalimutan ng tatay na ito na maglagay ng iba’t ibang detalye at dekorasyon sa playhouse kaya naman talagang napakaganda ng resulta ng DIY project na ito.

Kung gaano naman kaganda ang itsura ng playhouse sa labas ay ganoon din kaganda ang loob nito. Bagamat limitado rin ang espasyo sa loob ng playhouse, kasyang-kasya rito ang iba’t ibang laruan.

 

Sa dulo nito ay makikita ang isang kitchen set na maaaring magamit kailanman nila gustuhin. Kasama rito ang isang napaka-cute na refrigerator, stove, oven, at iba pang laruan. Naglagay rin ng isang maliit na mesa at upuan sa playhouse.

Bukod sa piano na maaaring magamit dito, perpekto rin ang mesa at ang espasyo sa loob ng playhouse upang makapag-aral din ang bata. Mayroon ding karagdagang espasyo sa loob kung saan maaaring ilagay ang iba pang laruan. Upang maging komportable naman ang paglalaro sa loob ng playhouse, hindi nila nakalimutang maglagay ng sapat na ilaw dito.

Makikita na talaga namang napakaganda ng naging itsura ng playhouse na ito.

Mapapansin din na masaya at kuntento ang bata sa ginawang ito ng kaniyang tatay kaya naman makikita na agad niyang sinubukan na maglaro sa loob ng kaniyang playhouse.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *