Isang Lumang Narrow Town House Binigyan ng Napakagandang Modernong Renovation kung Saan mayroon pang Courtyard at Roof Garden

Isang tahanan sa San Paulo City ang ngayon ay kinamamanghaan ng marami, ito ay dahil sa naging napakagandang resulta ng ginawang renovation dito.

Magmula kasi sa lumang hitsura ng tahanan na ito at sa kabila ng pagiging makitid nito, ay naging modernong tahanan ang kinalabasan nito sa ginawang renovation.

Ang tahanan na ito ay ipina-renovate ng mag-asawang maninirahan dito kasama ang kanilang alagang aso.

Sa pagsisimula ng ginawang renovation sa naturang tahanan ay denemolished ito at ang tanging iniwan lamang ay ang masonry walls nito dahil sa ito ay gawa sa solid bricks at mayroon itong structural function.

Matapos ang ginawang demolisyon ay sinimulan na itayo ang bagong tahanan sa 4×24 meter na lupain, kung saan ang bagong tahanan na ito ay may tatlong bahagi, ang ground floor, upper part at ang garden cover.

Makikita na ng matapos ang giwang renovation ay talaga namang nakamamangha ang kagandahan ng tahanang ito, dahil maliban sa pagiging modern na ng hitsura ng istraktura nito, ay talaga namang naisaayos din ang bawat bahagi ng nasabing tahanan.

Sa ground floor nito ay masisilayan ang kitchen, living room at garden. Tunay na napakaganda ng garden dahil sa ang landscaping na ginawa dito at tila species native sa Atlantic forest kaya naman mas lalo pang naging seductive ang dating ng naturang tahanan sa pagpasok pa lamang dito.

Isang pivoting door at sliding frame naman ang naging main door ng naturang tahanan na kung saan kapag ito ay iyong binuksan ay dadalhin ka din nito sa isang extension ng social area.

Mapapansin naman na ang dining table sa tahanan na ito ay kalapit lamang ng kitchen island na gawa naman sa marble. Ang kitchen ay tunay ding napakaganda dahil sa mga kagamitan dito na halos lahat ay likha ng mga carpentry na mga Architects.

Pagdating naman sa living room ay agad na mapapansin ang mga apparent cylindrical selection metal pillars, metal beams, panel slabs, massive bricks at ang metal sheet shelf na dinesenyo din ng mga arkitekto.

Kamangha-mangha din sa naging renovation ng narrow townhouse na ito ang pagkakaroon nito ng central garden na nasa pagitan ng living room at barbecue area. Samantala, ang upper floor naman ng tahanan na ito ay hinati sa dalawang suites.

Kahit sino ay talagang mamangha sa tahanan na ito, dahil kahit na ito ay makitid lamang ay napakaganda at kitang-kita na pinag-isipan at pinagplanuhan ng maigi ang bawat bahagi nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *