Isang Lumang Bahay sa Bulacan, Ipina-Renovate Upang Maging Isang Farmhouse-Inspired Retirement Home

Talagang nakakabilib ang transpormasyon ng mga lumang bahay. Kung iisipin ay mukhang hindi na ito maaaring magamit ngunit dahil sa talento at pagkamalikhain ng ilang mga propesyonal, nagkakaroon ang mga bahay na ito ng bagong mukha at gamit gaya na lamang ng tahanang ito.

Ayon sa mga may-ari, lumang-luma na ang kanilang 63 sqm. na bahay sa Plaridel, Bulacan. Dahil dito, nagdesisyon silang ipa-renovate ito upang maging isang retirement home. Sa tulong naman ng isang interior designer ay nagkaroon sila ng isang farmhouse-inspired na tahanan matapos lamang ang anim na buwan.

Photo credits: Dr. Sharlene Lanzarrote | Fotophilia

Photo credits: Dr. Sharlene Lanzarrote | Fotophilia

Pagpasok pa lamang sa bahay ay mapapansin agad ang 4.5-meter-high ceiling nito. Mayroon din itong customized na double doors. Sa bahaging ito rin ng bahay ay ang kakaibang sanitation area na mayroong open shelf para sa iba’t ibang dekorasyon at importanteng kagamitan ng pamilya. Isa rin sa talagang agaw-pansin na feature ng bahay ay ang bay windows nito.

Photo credits: Dr. Sharlene Lanzarrote | Fotophilia

Isa rin itong perpektong oportunidad para sa interior designer upang makapaglagay ng window seats na nakatipid sa espasyo sa living area.

Photo credits: Dr. Sharlene Lanzarrote | Fotophilia

Mula naman sa living area ay makikita ang isang archway na patungo sa kusina at dining area. Mapapansin sa dating disenyo ng bahay na ito ang isa sa pinakamadilim na parte ng kanilang tahanan. Dahil dito, nagdesisyon ang interior designer na maglagay ng skylight upang makapasok ang natural na liwanag sa bahaging ito.

Photo credits: Dr. Sharlene Lanzarrote | Fotophilia

Photo credits: Dr. Sharlene Lanzarrote | Fotophilia

Nakatulong din ang malaking archway patungo sa living room kaya naman ngayon ay mapapansing maaliwalas na ang kusina at dining area.

Photo credits: Dr. Sharlene Lanzarrote | Fotophilia

Photo credits: Dr. Sharlene Lanzarrote | Fotophilia

Bukod dito, marami ding espasyo rito kung saan maaaring makapaghanda nang maayos ang pamilya. Nagsisilbi rin ito bilang karagdagang storage space para sa kanilang mga kagamitan at appliances.

Photo credits: Dr. Sharlene Lanzarrote | Fotophilia

Bukod sa mga silid na nabanggit, mayroon ding dalawang kwarto ang retirement house na ito. Ang unang kwarto ay mapapansing mas maliit kumpara sa primary bedroom. Sa kabila nito, mayroon pa rin itong isang single bed at mesa na perpekto para sa kanilang anak o bisita.

Photo credits: Dr. Sharlene Lanzarrote | Fotophilia

Photo credits: Dr. Sharlene Lanzarrote | Fotophilia

Photo credits: Dr. Sharlene Lanzarrote | Fotophilia

Photo credits: Dr. Sharlene Lanzarrote | Fotophilia

Gaya naman ng living room ay mapapansin pa rin ang parehong disenyo ng bay window sa primary bedroom.

Kumuha rin sila ng inspirasyon mula sa mga farmhouses kaya naman gumamit sila ng sliding barn door para sa silid na ito. Siniguro din ng interior designer na maglagay ng ilang dekorasyon na konektado sa propesyon ng may-ari ng bahay. Mayroon namang parehong disenyo ang master at common bathroom ng bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *