Isang Ina, Nagpatayo ng mala Bali-Inspired na Bahay sa Gitna ng Palayan sa South Cotabato kung Saan may Swimming Pool, Vegetable Garden at Fishpond

Kung ang kadalasang lokasyon ng mga tahanan ay sa syudad, dumarami na rin ang mga taong nais mamalagi sa probinsya gaya na lamang ni Iris Mae Ubas.

“Love at first sight” umano ang kaniyang naramdaman noong una niyang nakita ang 956 sqm. na lupa sa gitna ng isang palayan sa Tantangan, South Cotabato. Dagdag pa ni Iris, sa unang tingin pa lamang ay nakita na niya kung anong klaseng tahanan ang ipapatayo niya rito.

Photo credits: Iris Mae Ubas

Sa tulong nga ng isang engineer ay naipatayo na ni Iris ang kaniyang 100 sqm. Bali-inspired na bahay. Sa labas ng bahay ay mapapansin agad ang mala-resort na itsura ng bahay.

Photo credits: Iris Mae Ubas

Makikita rito ang lanai na mayroong swimming pool.

Photo credits: Iris Mae Ubas

Photo credits: Iris Mae Ubas

Photo credits: Iris Mae Ubas

Sa gilid naman nito ay makikita ang iba’t ibang benches at swing kung saan maaaring makapag-relax ang kanilang buong pamilya.

Photo credits: Iris Mae Ubas

Mayroon ding dining space kung saan ma-eenjoy nila ang al fresco dining.

Ayon kay Iris, ito na rin ang nagsisilbing living at dining area ng kanilang bahay.

Mapapansin din ang mga mwebles at palamuti na gawa sa kahoy na talaga namang bagay na bagay sa disenyo ng bahay.

Kumpara naman sa malawak na living at dining area, maliit lamang ang sukat na inilaan nila para sa kusina. Sa kabila nito, siniguro nilang maglagay ng sapat na storage space para sa kanilang mga kitchen equipments at utensils.

Photo credits: Iris Mae Ubas

Photo credits: Iris Mae Ubas

Photo credits: Iris Mae Ubas

Tamang-tama din ang counter space dito para sa mas komportableng paghahanda ng kanilang pagkain. Hindi rin mawawala ang master bedroom ng bahay. Mayroon itong sapat na espasyo para sa kanilang maliit na pamilya.

Photo credits: Iris Mae Ubas

Mapapansin din ang floor-to-ceiling na glass window kung saan matatanaw nila ang magandang view mula sa kanilang tahanan.

Photo credits: Iris Mae Ubas

Nakatutulong din ito upang maging maliwanag ang kanilang bahay sa buong maghapon. Mula naman sa kwarto ay maaaring makapunta sa kanilang nature-themed master bathroom.

Photo credits: Iris Mae Ubas

Gaya ng mga resorts, mayroon itong iba’t ibang halaman sa loob at transparent roof.

Bukod sa mga napakagandang parte ng mismong bahay, maraming aktibidad din ang maaaring gawin ng kanilang pamilya lalo na sa kanilang vegetable garden.

Photo credits: Iris Mae Ubas

Photo credits: Iris Mae Ubas

Dahil rin sa laki ng sukat ng kanilang property, bukod sa planong extension ng kanilang bahay ay nais din nilang magtayo ng isang fish pond na maaari din nilang pagkakitaan.

Photo credits: Iris Mae Ubas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *