Isang Domestic Helper sa Singapore na Halos 17 Years Nagtrabaho Doon, Masayang Ibinahagi ang Kanyang Naipagawang Dream House at Naipundar na Palaisdaan

Marami ang nangangarap sa ating mga kababayan dito sa Pinas na makasakay ng eroplano at makapagtrabaho sa ibang bansa upang maiahon lang sa hirap ang kanilang mga mahal sa buhay. Handang tiisin ang lungkot at hirap at ang mawalay sa pamilya para lang sa inaasam na ginhawa ng pamilya.

Isa sa mga kwento na hinangaan sa social media ay ang kwento ng Domestic Helper na ito sa Singapore kung saan ilang taon nagtrabaho doon upang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya. Maliban pa jan pangarap din nito na maiparenovate ang kanilang lumang bahay kaya naman lakas loob na hinarap lahat ng pagsubok kung saan hindi niya ito sinukuan at binitawan para lang makamit ang inaasam na pangarap.

Siya si Mayline Preposi na taga Saoay, San Fernando, Launion, isang Domestic Helper sa bansang Singapore na isa sa mga kahangahanga nating kababayan na naisakatuparan ang pangarap para sakanyang pamilya. Taon 2003 ng lumipad si Mayline patungong Singapore upang doon magtrabaho, 7 taon nagtrabaho si Mayline sakanyang unang employeer kung saan laking pasasalamat niya sa mga ito dahil mabait ito sakanya.

Photo credits: DiKong’s TV | Youtube

Ngunit kwento ni Mayline nagkaroon ng problema ang kanyang employeer sa pera kung saan wala na itong maipasahod sakanya kaya napilitan si Mayline na maghanap ng bagong employeer kung saan nakakita naman agad siya.

Pangarap ni Mayline na maipagawa ang kanilang lumang bahay sa kanilang probinsya kaya naman binigyan niya ito ng kaunting renovation, ngunit ng magbakasyon si Mayline sa Pilipinas noong 2018 halos 5 months siyang walang income at napapansin niya na nasisira na ang kanyang mga ipinagawa sa bahay katulad ng mga kisame, yero, gutter at pintura at pati kanyang kaunting ipon ay unti unti naring nauubos.

Photo credits: DiKong’s TV | Youtube

Photo credits: DiKong’s TV | Youtube

Photo credits: DiKong’s TV | Youtube

Kaya naman matapos ang 5 buwan na pamamahinga nagdesisyon ulit siyang bumalik sa Singapore upang magtrabaho. Dito na pinagipunan ni Mayline ang total renovation ng kanilang bahay kung saan una niya munang ikinonsulta sakanyang pinsan na Engineer.

Photo credits: DiKong’s TV | Youtube

Photo credits: DiKong’s TV | Youtube

Photo credits: DiKong’s TV | Youtube

Halos 10 years in the making din daw diumano ang dream house na ito ni Mayline kung saan 2010 ng opisyal na simulan ang total renovation nito.

Photo credits: DiKong’s TV | Youtube

Photo credits: DiKong’s TV | Youtube

Halos 17 years din nagtratrabaho si Mayline sa ibang bansa at matapos ang halos magdadalawang dekadang pagsusumikap sa wakas ay natupad niya na din ang pangarap niyang bagong bahay. Maliban pa jan ay nakapagpundar nadin siya ng palaisdaan kung saan mayroon pa siyang extra income.

Photo credits: DiKong’s TV | Youtube

Dagdag pa ni Mayline na talagang nagbunga ang kanyang pinaghirapan at lahat ng luha na kanyang iniyak dahil sa pagkahomesick sa pamilya, dahil ngayon ay nabibigyan niya na ang mga ito ng mas komportableng tirahan pati na ang kanyang mga magulang ay mas nabibigyan niya na ng suporta.

Photo credits: DiKong’s TV | Youtube

Photo credits: DiKong’s TV | Youtube

Talagang walang imposible kung masipag at matiyaga ka at marunong magtiis katulad ni Mayline, naging magaling din siya sa paghawak ng kanyang pera kaya lahat ng kanyang pinapangarap sa pamilya ay kanyang naiskatuparan.

Photo credits: DiKong’s TV | Youtube

Gawing inspirasyon si Mayline para makamit din ninyo ang inyong mga pinapangarap sa buhay na hindi lang para sainyo kung para narin sa mga mahal ninyo sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *