Para sa ilan, kulang na kulang ang halagang PhP60,000 para sa pagpapatayo ng isang bahay para sa isang pamilya ngunit para naman kay Gracelfie Mat at sa kaniyang pamilya, sapat na sapat ito upang magkaroon sila ng komportableng masisilungan araw-araw.
Photo credits: Awesome Philippines Houses
Ayon kay Gracelfie, may sukat na 10×10 ft. ang bahay na ito. Bagamat maliit lamang ang sukat ng mismong bahay, makikita naman ang malawak na espasyo at pahingahan sa labas nito.
Photo credits: Awesome Philippines Houses
Photo credits: Awesome Philippines Houses
Bagay na bagay ito bilang play area ng mga bata o kaya naman ay isang garden ng mga bulaklak at iba’t ibang gulay.
Photo credits: Awesome Philippines Houses
Photo credits: Awesome Philippines Houses
Isa rin sa kapansin-pansin sa bahay na ito ay ang paggamit ng mga may-ari ng konkretong materyales para sa pundasyon ng bahay.
Masasabi nga na bagamat limitado ang kanilang budget para sa bahay ay siniguro pa rin nila ang katibayan ng bahay at ang kaligtasan ng mga maninirahan dito. Bukod sa bahaging ito ng kanilang tahanan, gawa pa rin sa amakan ang iba pang parte nito.
Photo credits: Awesome Philippines Houses
Photo credits: Awesome Philippines Houses
Pagdating naman sa loob ng bahay, mapapansin na napaka-organisado nito. Mayroon din itong open layout kaya naman kahit maliit ang sukat nito ay hindi pa rin mapapansin na masikip sa loob ng tahanan.
Photo credits: Awesome Philippines Houses
Sa isang bahagi ng bahay ay ang dining area kung saan maaaring sama-samang kumain ang buong mag-anak habang nanunuod ng kanilang paboritong palabas sa telebisyon.
Photo credits: Awesome Philippines Houses
Ilang hakbang naman mula rito ay ang kusina na kumpleto sa iba’t ibang appliances at kagamitan gaya ng oven at air fryer.
Photo credits: Awesome Philippines Houses
Photo credits: Awesome Philippines Houses
Kung ang ibang tahanan ay mayroong isang silid para sa kanilang pribadong kwarto, kakaiba ang bahay na ito dahil makikita mula sa dining area at kusina ang kama ng pamilya.
Photo credits: Awesome Philippines Houses
Kaiba naman sa mga parte ng bahay na ito na makikita sa loob ng mismong bahay, mapupuntahan naman ang laundry area at palikuran sa labas ng tahanan. Sa kabila nito, masasabing talagang maayos at organisado pa rin ang dating ng bahay.
Photo credits: Awesome Philippines Houses
Photo credits: Awesome Philippines Houses
Photo credits: Awesome Philippines Houses
Nakakadagdag din sa kagandahan nito ang floor-to-ceiling na mga kurtina.
Sa panahon ngayon kung saan sikat na sikat ang mga naglalakihan at naggagandahang mga tahanan, patunay ang bahay nina Gracelfie na totoong posibleng magkaroon ng maganda at komportableng tahanan gamit ang limitadong budget basta’t paiiralin lamang ang pagkamalikhain at pagkamaparaan natin.