Dating Namimigay ng Flyers at Nakatira sa Tagpi-tagping Tirahan Milyonaryo na Ngayon at Nakapagpagawa na ng Pangarap na Bahay at Nakabili ng Malawak na Maisan

Tulad ng ilan sa atin, si Niṅo ay isa lamang din sa mga nais na bigyang katuparan ang kanyang lagpas langit na pangarap, at ito ay ang maipatayo ang kanyang dream house. Nagtatrabaho siya noon bilang isang namimigay ng flyers sa mga taong naglalakad, kung saan ay halos nilalampas-lampasan lamang nga siya ng mga dumadaan sa kanyang harapan.

Photo credits: KMJS | Youtube

Ang mga ipinamimigay ni Niṅo na flyers noon ay nang engganyo sa mga gusting magtrabaho sa abroad. Dahil dito ay madalas din na lumipad ang imahinasyon niya sa laman ng kanyang flyers at ito ay ang bansang South Korea.

Photo credits: KMJS | Youtube

Laki sa hirap si Niṅo, kaya naman talagang pangarap niya ang maiahon sa hirap ang kanyang pamilya. Iba’t ibang mga trabaho din ang kanyag pinasukan tulad na lamang ng pag-service crew at pamimigay ng flyers para nga makatulong sa kanyang pamilya.

Photo credits: KMJS | Youtube

Dahil sa pagkakaroon niya ng matayog na pangarap, ay sinadya ni Niṅo ang address ng nasa ipinamimigay niyang flyers at dito ay napag-alaman niya na ito pala ay isang Korean review center. Nahikayat siyang mag-aral at dito na nagsimula na unti-unti niyang matupad ang pangarap niya, pinakauna na dito ang marating niya ang bansang South Korea.

Photo credits: KMJS | Youtube

Nang marating ni Niṅo ang South Korea una niyang naging trabaho ay ang pagiging factory worker sa isang text tile company.

Photo credits: KMJS | Youtube

Matapos ang isa’t kalahating taon lumipat siya sa food processing industry sa South Korea pa rin hanggang sa siya ay ma-promote bilang t team leader kung saan ang basic salaray niya ay umabot sa Php95,000 at kapag may overtime ay umaabot pa sa Php120,000 hanggang Php130,000.

Photo credits: KMJS | Youtube

Photo credits: KMJS | Youtube

Sa kabila ng malaking kinikita ay pilit iniwasan ni Niṅo ang bisyo at luho, kaya naman makalipas ang ilang taon ay nagawa niyang makapag-ipon ng Php2.5 milyon pesos na ginamit niya para pakasalan ang kasintahan niyang si Anji at ipinagpatayo din niya ng kanilang dream home.

Photo credits: KMJS | Youtube

Photo credits: KMJS | Youtube

Photo credits: KMJS | Youtube

Photo credits: KMJS | Youtube

Kung dati ay tagpi-tagpi ang bahay nina Niṅo at halos sa kusina lamang sila nagsisiksikan, ngayon ay mayroon na silang maganda at kongkretong bahay na mayroong tatlong kuwarto.

Photo credits: KMJS | Youtube

Photo credits: KMJS | Youtube

Photo credits: KMJS | Youtube

Photo credits: KMJS | Youtube

Photo credits: KMJS | Youtube

Nakapagpatayo na rin silang mag-asawa ng sarili nilang Korean tutorial center at nakabili na rin sila ng motor at lupain sa Isabela.

Photo credits: KMJS | Youtube

Ang dati ngag tagapitas ng mais at dinadaan-daanan lamang na nag-aalok ng flyers, ngayon ay siya nan gang nagmamay-ari ng maisan at nagpapasahod sa kanyang mga tauhan.

Photo credits: KMJS | Youtube

Tunay na kapupulutan ng inspirasyon ang buhay ni Niṅo lalo na sa mga patuloy na nangangarap na maiahon ang kanilang pamilya sa kahirapan.

Payo naman ni Niṅo, isa sa mga sikreto ng kanyang tagumpay ang pagbibigay halaga niya sa bawat sentimong kanyang kinikita.

Kapuso Mo, Jessica Soho: Dating namimigay ng flyers, milyonaryo na ngayon!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *