Dating Kasambahay Nakapagpatayo na ng Sariling Bahay at Nakabili ng Sasakyan Matapos Magtagumpay ang Kanyang Negosyong mga Pampaganda

Isang kwento na puno ng inspirasyon ang hatid ng dating kasambahay matapos mabago ang buhay at naging matagumpay dahil sa pagnenegosyo. Siya nga si Charina Bitas o Cha na nakaranas ng hirap at pagsubok sa buhay bilang kasambahay bago tuluyang nasumpungan ang inaasam sa tagumpay. Ito nga ay matapos niyang madiskubre ang tamang produkto na kanyang ibebenta, na magpapabago ng kanyang buhay.

Sa episode noong Oktubre 2, 2019 ng programang “May Puhunan” ni Karen Davila, ay nagbigay ng inspirasyon si Cha nang ibahagi ang kanyang kwento ng tagumpay.

Photo credits: My Puhunan | Facebook

Si Cha ay isang dating kasambahay na nagmula sa Bohol, at nanirahan sa Laguna upang kumita ng pera para makatulong sa pamilya. Nagpasya ang kanyang mga magulang na tumira sa isang squatter sa Laguna, sa pag-aakalang aayos ang kanilang buhay. Ngunit, dahil ang kanyang ama ay isang karpentero, samantalang ang ina naman ay kasambahay, ay hindi ito nangyari. Kaya naman, upang makatulong sa mga magulang ay namasukan rin bilang isang kasambahay si Cha.

At ang trabaho niya bilang kasambahay ang naging daan upang makilala niya ang kanyang asawa na manager ng isang kompanya, at may-ari ng lending business. Ngunit, sa kasamaang-palad ang kanilang lending business ay nalugi, na kung saan ang mga kliyente ay hindi na nagbayad ng kanilang utang.

Photo credits: My Puhunan | Facebook

Hindi nga halos matanggap ni Cha ang paglubog ng kanilang lending business at nagdulot ito sa kanya ng matinding stress. Dahil nga sa stress, ay tinubuan siya ng freckles at pimples sa kanyang mukha. Hanggang sa ito nga ay dumami ng dumami, na nagdala lalo sa kanya ng kalungkutan.

Kaya naman, sumangguni siya sa kanyang kapatid na sabihin sa kanya ang sikreto nito upang mapanatiling bata at maganda ang mukha nito. Sa unang gamit ng naturang sabon, ay umepekto ito sa kanya at agad niyang nagustuhan ang produkto. Kaya naman, naisip niyang magnegosyo ng beauty products.

Photo credits: My Puhunan | Facebook

At nang magkaroon na nga ng sariling brand ng beauty products, ay inaalok niya ang lahat ng kanyang kakilala. Nagsumikap rin siyang maghanap ng mga taong maaaring bumili ng kanyang produkto. Hindi siya tumigil, at ginawa ang lahat upang makilala at maging mabenta ang kanyang produkto.

Hindi nga nagtagal, ang kanyang hirap at pagsisikap ay nagbungang lahat. Mula sa kanyang beauty products, ay kumita siya ng malaki kung saan ay nakapagpatayo siya ng sariling bahay, sasakyan at nabili rin ang lahat ng naisin niya.

Photo credits: My Puhunan | Facebook

Photo credits: My Puhunan | Facebook

Photo credits: My Puhunan | Facebook

Nang mapanood nga ang kwento ni Cha sa telebisyon ay marami ang nabigyan ng inspirasyon na magsimula sa pagnenegosyo. Marami ang humanga sa diskarte at kasipagan ng dating kasambahay, na ngayon nga ay malaki na ang ipinagbago ng buhay bilang isang matagumpay na negosyante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *