Karamihan sa mga kabataan ngayon ay nagiging maluho na sa mga materyal na bagay, ilan lang sa mga kinahihiligan ng karamihan ay ang mga bagong gadget na lumalabas, sapatos, damit at kung ano ano pa. May mga iba din na mahilig magtravel sa ibat-ibang bansa at magagandang lugar.
Ngunit isang binata ang hinangaan at nagviral sa social media matapos niyang proud na ibahagi ang kanyang achievement sa edad na 21 taon gulang. Siya si Japo Gonzales na naging inspirasyon sa social media at sa ibang kabataan matapos makapagpatayo ng sarili nitong bahay bilang regalo niya sakanyang sarili sa araw ng kanyang kaarawan.
Sa halip na bumili ng kanyang mga luho at gumala sa ibat-ibang lugar, ay inipon ni Japo ang kanyang pera upang ipagawa ng tiny house. Naging magaling at masinop sa paghawak ng pera ang binata kaya naman ang pangarap niyang bahay lang noon ay natitirhan niya na ngayon kung saan natototo na siyang manirahan ng mag-isa at maging independent.
Ibinahagi ni Japo sa Facebook ang mga larawan ng kanyang napakagandang bahay na animo’y disenyo ng bahay na makikita sa magazine. Nilakipan naman niya ito ng caption na puno ng inspirasyon at labis na pagpapasalamat.
“After 5months 5 days and 5 seconds! Eto na yung regalo ko sa aking kaarawan! Hehehe Eto na yung before and after kong itigil muna yung mga luho at mga gala ko. LORD MARAMING THANKYOU SO MUCH PO sa bagong biyaya na namin na natanggap ko at marami pang parating #LawOfAttraction at lalo na sa mga tumulong gumawa nito! PM details hahaha. Welcome sa aking New Studio Type weekend house. Lahat namn nag sisimula sa maliit . Happy 21st Birthday to me! ”
Ang napakagandang bahay ni Japo ay isang maliit na studio type ngunit may magandang disenyo at may sapat na espasyo para sa isa hanggang dalawang tao na may maliit na anak, na maaaring tumira dito.
Bagama’t, nakatayo sa maliit na lote at napapagitnaan ng dalawang bahay, ay nagawa ni Jabo na maging napakaganda at kahanga-hanga ang lumang bahay. Ngayon nga, ay makikita ang moderno nitong disenyo. May bakod at gate rin ang nasabing bahay. Maliban nga dito, ay makikita rin ang isang simple ngunit napakagandang balkonahe, mula sa naka-extend na bubong patungo sa bakod.
Samantala, kompleto rin ang bahagi ng napakagandang bahay, kahit nga na maliit ay may kusina, sala at banyo rin ito. Ang living room nga nito, ay may sapat na espasyo para sa komportableng couch na pwede ring gawing higaan pagsapit ng gabi. May maliit na bar rin sa living room, na nagsisilbi ring dining area. At sa likod naman nito, ay isang kompleto sa kagamitang kusina at malinis ring tingnan.
Talaga namang kahanga-hanga ang naturang bahay, na bagama’t maliit ay napakagandang tingnan at kompleto rin sa kagamitan.
Ngunit, mas kahanga-hanga naman na si Jabo dahil sa edad niyang 21, ay nasa isip na ang magtayo ng sariling bahay na talaga namang kanyang naisakatuparan. Nagbigay nga ng inspirasyon si Jabo sa mga netizens, na talaga namang hinangaan ang kanyang abilidad.