Siliping ang Napakagandang Modern Tropical House na ito na Ipinatayo ng Isang Anak Para sa Kaniyang mga Magulang

Bawat anak ay mayroong kaniya-kaniyang pangarap na nais makamit para sa kanilang mga magulang. Kadalasan, nais lamang nilang magkaroon ng maganda at komportableng tahanan ang kanilang mga magulang. Ito rin ang pangarap ng isang architect na si John Paolo Tolosa.

Photo credits: OG |YT

Kwento ni John Paolo, nagsimula ang kaniyang pangarap na makapagpatayo ng isang magandang bahay para sa kaniyang pamilya noong ibinahagi ng kaniyang mga magulang na nais rin nilang maranasan na tumira sa magagandang mga bahay na kaniyang dinedesenyo.

Photo credits: OG |YT

Dito na siya nagsimulang magplano ng isang modern tropical house na maaaring magamit ng kaniyang mga magulang bilang retirement home. At dahil kinahihiligan ni John Paolo ang tropical architecture, minabuti niyang ito ang maging disenyo ng kanilang bagong tahanan.

Photo credits: OG |YT

Dagdag pa ni John Paolo, talagang napakaganda ng disenyo na ito. Dahil sa iba’t ibang halaman na nakapalibot dito gayundin ang mala-resort na disenyo nito, ramdam nilang nasa probinsya o nasa isang villa ang kanilang pamilya bagamat sila ay nasa gitna ng syudad.

Photo credits: OG |YT

Photo credits: OG |YT

Pagpasok pa lamang sa property ng pamilya Tolosa, makikita na agad ang napaka-preskong lanai kung saan komportableng makakapagpahinga ang kanilang pamilya. Napalilibutan ito ng napakaraming halaman. Dagdag pa rito, mayroon ding isang maliit na pond na nakakadagdag sa kagandahan ng lugar. Bukod dito, mayroon ding isang secret garden kung saan nakakapag-meditate ang nanay ni John Paolo.

Photo credits: OG |YT

Photo credits: OG |YT

Pagdating naman sa loob ng bahay na ito, agad na sasalubong ang living area. Mayroon itong high ceiling at matatanaw rin mula rito ang kanilang side garden. Itinuturing naman nilang center piece ang kakaibang chandelier na mula umano sa isang lokal na supplier.

Photo credits: OG |YT

Photo credits: OG |YT

Open naman ang plano ng bahay kaya mula sa living area, matatanaw at mapupuntahan agad ang dining area. Konektado ang dining area na ito sa garage kaya naman nagkakaroon sila ng karagdagang espasyo sa tuwing mayroon silang mga bisita. Sa kabilang bahagi ng bahay ay ang main kitchen kung saan madaling nakakapagluto at nakakapaghain ng pagkain ang pamilya. Bukod dito, mayroon ding dirty kitchen ang bahay.

Photo credits: OG |YT

Photo credits: OG |YT

Photo credits: OG |YT

Photo credits: OG |YT

Makikita rin sa bahaging ito ng bahay ang laundry area. Bagamat limitado lamang ang espasyo sa parteng ito, siniguro pa rin ni John Paolo na mayroon silang lugar para sa drying area at sapat na storage space. Sa kabilang bahagi naman ng bahay makikita ang altar, ilang memorabilia, tatlong kwarto, at ang kanilang common comfort room.

Photo credits: OG |YT

Photo credits: OG |YT

Ayon kay John Paolo, umabot sa PhP5.6 million ang kaniyang nagastos para sa pagbili ng 240 sqm. na lupang kinatatayuan ng kanilang bahay gayundin ang konstruksyon ng mismong bahay.

This Modern Tropical (Not Tiny) House in the City Is a Gentleman's Gift to His Family | Unique Homes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *