Silipin ang Php2.5M na Bahay na ito na may Napakagandang Modernong Disenyo sa Labas at sa Loob at Fish Pond pa

Bukod sa pagpapaganda ng loob ng tahanan, kung minsan rin ay binibigyang-pansin ang panlabas na kagandahan ng mga bahay. Dahil dito, ang iba ay pumipili ng kakaibang mga pintura samantalang ang iba naman gaya ng homeowner na ito ay talagang pinaganda ang atraksyon sa labas ng kanilang tahanan.

Mula sa malayo ay talagang kapansin-pansin na ang bahay na ito, hindi lamang dahil sa kakaiba nitong arkitektura, kundi dahil na rin sa matingkad na kulay nito. Makikita rin na napakalawak ng espasyo na nakapalibot sa bahay kaya naman tamang-tama ito para sa mga pananim na bulaklak o kaya naman ay para sa mga gulay at puno ng iba’t ibang prutas.

Isa rin sa talagang kahanga-hanga at kakaiba sa bahay na ito ay ang maliit na fish pond na makikita sa harapang bahagi ng bahay. Totoong nakakadagdag ito sa kagandahan at atraksyon ng modernong tahanan na ito.

Bukod sa napakagandang mga features ng bahay, makikita rin ang malawak na porch kung saan maaaring matanaw ang fish pond.

Napalilibutan din ng glass windows ang bawat bahagi ng bahay kaya naman siguradong maaliwalas sa loob nito.

Pagpasok naman sa loob ng bahay, talagang napakalawak ng espasyo rito. Bukod sa entertainment space sa living area, mayroon pang karagdagang espasyo kung saan maaaring makapaglaro ang mga bata.

Kaiba pa sa pagiging isang play area, maaari din namang maglagay ng karagdagang upuan at mesa sa espasyong ito upang maging isang work station para sa mga miyembro ng pamilya na mayroong work-from-home setup. Perpekto talaga ito para sa isang play area o work station dahil mayroong sapat na shelves at storage space ang lugar para sa mga laruan at iba pang kagamitan.

Bukod sa living area, napakalawak din ng kusina. Mayroon itong napakahabang counter kung saan makikita ang karamihang kagamitan. Kung titingnan naman ang disenyo nito, mapapansin ang pagiging simple at elegante ng lugar.

Mayroon itong tiles na mayroong kahoy na disenyo samantalang nakakadagdag naman sa kagandahan ng espasyo ang kakaibang chandelier. Makikita rin ang kakaibang ilaw sa comfort room. Dagdag pa rito, bagay na bagay rin ang kombinasyon ng wood at kulay itim na tiles.

Kung titingnan ay mukhang simple lamang ang modernong bahay na ito ngunit dahil napakalawak ng bawat silid ng bahay at dahil na rin sa idinagdag na fish pond, PhP2.5 million ang halagang nagastos ng pamilya para sa konstruksyon nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *