Silipin ang Php1.6M na Bahay na ito na Nakatayo sa Isang Elevated na Lugar sa Probinsya na may Nakakarelax na View ng Kapaligiran

Totoong ang ating mga tahanan ang lugar kung saan tayo nakakapagpahinga at nakakapagbonding kasama ang ating pamilya. Sa kabila nito, may iilan na mas gusto pa rin na mag-travel upang makabisita at makapagrelax sa magagandang resorts sa ibang lugar.

Dahil dito, isang konsiderasyon na ngayon pagdating sa pagpaplano ng bahay ang magandang disenyo nito na komportable at perpekto para sa mga pamilya. Kung minsan pa nga ay kumukuha ng inspirasyon ang mga homeowners mula sa disenyo ng mga resorts upang hindi na nila kailanganin pang lumabas at bumisita sa ibang lugar. Makikita nga ang parehong arkitektura sa mala-resort na bahay na ito.

Gawa sa kahoy at salamin ang bahay na ito samantalang limitado lamang ang ginamit na konkretong materyales para sa ilang bahagi ng bahay. Gaya naman ng ilang resort cabins, mayroon itong malawak na porch.

May ilang upuan rin dito kaya naman talagang makakapagrelax ang sinumang bibisita dito habang tinatanaw ang napakagandang view ng probinsya. Dahil nga malawak rin ito, maaaring makapagbonding dito ang ilan pang tao. Maaari din silang sumubok ng ilang aktibidad dito.

Pagdating naman sa loob ng bahay, open ang layout nito kaya naman talagang malawak ang espasyong maaaring magamit ng mga bisita. Sa kabilang banda ng bahay, makikita ang dalawang kama kung saan kasyang-kasya ang ilang tao.

Sa kabilang banda naman ang living at dining area. Sa ngayon, mapapansing walang kusina sa loob ng tahanan ngunit dahil sa malawak na espasyo, hindi malayong mayroon ding mailalaan na espasyo para sa isang simpleng kusina. Ibang-iba naman sa mga pangkaraniwang palikuran ang comfort room ng bahay na ito.

Karaniwang makikita sa ilang resorts ang open roof na comfort rooms. Bagamat kakaiba, perpekto naman ito sa pribadong lokasyon ng bahay. Talagang mag-eenjoy rin ang mga bisita sa resort feels ng bahay dahil sa spa tub na makikita rin sa comfort room na ito.

Dahil sa mga materyales ng bahay gayundin ang mga kagamitan at mwebles na binili para dito, umabot sa PhP1.6 million ang halagang nailabas para lamang maitayo ito. Para sa mga pamilya o indibidwal na nais rin magkaroon ng mala-resort na tahanan, maaari pang magbago ang halagang ito depende sa disenyo at materyales na gagamitin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *