Silipin ang Napakagandang Pre-Fabricated House na ito na may Napakagandang Disenyo at Nagkakahalaga ng Php600k

Nauuso ngayon ang mga pre-fabricated homes, ito ay dahil maliban sa mas abot -kaya ang halaga ng ganitong klase ng tahanan ay mas madali rin itong naipapagawa. May ilang mga subdibisyon na nagbebenta ng ganitong klase ng tahanan, ngunit kung wala mang ganitong ‘offer’ sa inyong lugar, ay maari naman kayong makakuha ng inspirasyon at ideya sa ganitong tahanan.

Sa mga pre-fabricated homes ay maaring makakuha ng ideya kung paano magkaroon ng modernong tahanan na mayroong magandang porch, stylish na bedroom, office space at compact kitchen. Katulad na lamang ng pre-fabricated house na ibibida natin ngayon.
Kung titignan ang tahanan na ito, makikita na napaka-simple lamang ng exterior nito, kung saan ang mga walls ay binigyang kulay ng grey.

Ang ganitong klase ng tahanan ay pwedeng gawa sa steel mula sa container vans, pwedeng concrete o di kaya naman ay gawa sa kahoy, depende na lang talaga sa gusto ng magmamay-ari ng bahay. Maari ding maging option ang fiber cement board para maging budget-friendly ito.

Makikita na tila napakasimple lamang ng tahanan na ito, ngunit isa itong kaaya-ayang lugar na maaring silungan ng isang pamilya, lalo pa’t kumpleto din ito sa lahat ng pasilidad. Ang porch nito na nasa harapang bahagi ay nag-a-anyaya sa mga nais na mag-hangout dito, dahil maari itong lagyan ng bench o di kaya naman ay hammock.

Napakaganda naman talaga ng ganitong tahanan dahil sa compact style nito, idagdag pa ang pagiging economical. Kahit na simple tingnan ang tahanan na ito sa labas, ay mapapahanga ka naman sa pagiging classy ng interior nito.

Pagpasok pa lamang ng sliding glass door, ay agad ng bubungad ang pagiging open space ng tahanan, kung saan sasalubong din agad ang dining area at sa kabilang gilid nito ay ang living area na nakaka-amaze ang mga dekorasyon at kagamitan. Nasa tabi naman ng kitchen area ang maliit na bathroom na mayroon ding modernong mga gamit.

Agad ding makikita ang bedroom area, dahil wala namang anumang pader na nakaharang dito, kung saan may bahagi banda dito na nagsilbi pang office area. Mapapansin naman na ang kabuuan ng buong bahay ay tunay na napaka-elegante, magmula sa mga kagamitan at pagkakaayos ng mga ito.

Para sa mga nagnanais na magpagawa ng ganitong uri ng pre-fabricated house, ang halaga nito ay umaabot sa Php600,000 depende sa materyales na gagamitin.

Iba’t iba man ang tahanan na pangarap ng marami sa atin, ay tunay na nakapagbibigay inspirasyon naman sa atin ang makakuha ng ideya sa mga ganitong uri ng tahanan, maliit man ito o malaki.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *