Silipin ang Napakagandang Php1M Studio Type Loft Tiny House na ito na Mayroong Roof Deck

Talagang nakakabilib kung gaano kaganda ang ilang mga bahay kahit na maliit lamang ang sukat ng mga ito. Bawat sulok at espasyo ng mga itinuturing na tiny house ay talagang maiging ginagamit.

Gaya naman ng ilang bahay gaya nito, maging ang bubong ng bahay ay ginagamit na rin bilang roof deck upang magkaroon pa ng karagdagang espasyo sa property.

Mula sa malayo ay matatanaw na ang kakaibang studio type na bahay na ito. Bagamat simple lamang ang itsura ng bahay mula sa labas, kapansin-pansin pa rin ang glass door at windows na nakapalibot dito.

Isa rin sa talagang agaw-pansin na feature ng bahay ay ang roof deck nito.

Dahil nga sa limitadong espasyo sa loob ng bahay, talagang perpekto ang pagkakaroon ng roof deck upang magkaroon pa ang may-ari nito ng karagdagang espasyo para sa kaniyang mga bisita o kaya naman ay upang makapagrelax siya.

Bukod dito, maaari ding maglagay ng ilang benches, upuan, at simpleng mesa upang magamit rin ito bilang outdoor dining space tuwing umaga o gabi.

Pagdating naman sa loob ng bahay, pinili ng mga may-ari ang open layout para dito upang magkaroon ng mas malawak na espasyo para sa kanilang mga kagamitan. Gaya ng ibang tiny house, maaaring gumamit ng isang sofa bed sa living area upang makatipid sa espasyo.

Pagdating naman sa kusina, mayroong U-shape na counter kung saan maaaring makapaghanda ng pagkain ang homeowners. Mayroon ding karagdagang storage space sa mga counter na ito kung saan mailalagay ang ilang kagamitan ng bahay.

Bukod sa wais na paggamit ng espasyo ng studio home, napakaganda rin ng naging disenyo nito. Sa isang bahagi ng dingding ay ang asymmetrical na disenyo ng bricks samantalang ang kisame naman ay gawa sa kahoy. Bagay na bagay dito ang wood tiles na ginamit sa flooring ng bahay.

Dagdag pa sa mga ito, gumamit din ang mga may-ari ng kakaibang ilaw na bagay sa kabuuang tema ng bahay.

Bagamat maliit lamang ang sukat ng bahay, umabot pa rin sa isang milyong piso ang halagang nailabas para sa pagpapatayo nito dahil sa mga materyales na ginamit gayundin ang modernong disenyo na pinili para dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *