Silipin ang Napakagandang Native Bahay Kubo na Ito na Nagkakahalaga ng Php100,000

Sa panahon ngayon, pangkaraniwan na ang mga disenyo ng mga tahanan na hango sa mga disenyo mula sa ibang bansa. Talagang hinahangaan ito ng mga Pinoy dahil sa kagandahan at katibayan ng mga ito. Sa kabila nito, may iilan pa rin na kinagigiliwan ang ating tradisyunal na bahay kubo.

Mula rito, kumukuha sila ng iba’t ibang inspirasyon at ideya upang magkaroon ng mas maganda at matibay na bahay kubo. Gaya nga ng bahay kubo na ito, talagang mas matibay ang mga materyales at moderno ang disenyong ginamit para dito.

Kaiba sa pangkaraniwang bahay kubo, hindi lamang isa ngunit dalawa ang porch ng bahay. Ang porch na makikita sa harap ng kubo ay mapapansing mas malawak kumpara sa porch na makikita sa likurang bahagi ng bahay.

Para sa mag-anak, perpekto ang espasyong ito upang makapagpahinga at makapag-bonding ang lahat. Dahil rin sa magandang view ng garden na makikita mula rito, swak din ito bilang espasyo para sa kanilang bisita.

Pagpasok naman sa bahay, ibang-iba ang materyales na ginamit para sa flooring nito. Sa halip na kawayan, terracotta tiles ang ginamit dito.

Mapapansin din na gumamit ng bricks at kahoy ang pamilya bilang materyales para sa kanilang dingding. Sa ganitong paraan, nakasisiguro silang mas matibay ang kanilang modern bahay kubo.

Pagdating naman sa layout ng tahanan, mapapansin na nagmukhang malawak ang tahanang ito dahil sa open layout nito. Makikita agad ang living at dining area sa loob ng kubo. Sa likurang bahagi naman makikita ang kwarto.

Kumpara naman sa modernong layout nito, tradisyunal pa rin ang mga mwebles gaya ng sala set, dining table, shelf, at kama na gawa sa kawayan. Dagdag pa rito, bagamat gawa sa kahoy ang ilang bahagi ng bahay, konkreto naman ang malawak na palikuran ng bahay.

Dahil sa pagiging malikhain ng mga Pinoy pagdating sa disenyo ng kanilang mga tahanan, maaaring dumami pa ang maipatayong modern bahay kubo sa hinaharap. Bukod sa kagandahan ng mga ito, hindi hamak na mas maliit rin ang maaaring magastos para dito.

Dagdag pa rito, kung nais lamang ng mga indibidwal o pamilya na magpagawa ng parehong kubo, maaaring umabot sa PhP100,000 ang halagang magagastos para dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *