Silipin ang Napakagandang Farm House na Ito na Mayroong Modernong Disenyo at Napakalawak na Beranda

Sa panahon ngayon, hindi lamang ang mga magagarang mansyon at tahanan ng mga homeowners ang kanilang pinagtutuunan ng pansin. Maging ang mga farm houses ngayon ay talagang pinagpaplanuhan nang mabuti at pinapaganda rin dahil isa rin ito sa mga lugar kung saan nagpapahinga at nagrerelax ang mga homeowners na kadalasang namamalagi sa syudad.

Sinisiguro din nilang bagamat simple ang mga farm houses na ito ay elegante pa rin ang dating nito at komportable din naman para sa mga taong maninirahan dito.

Sa labas pa lamang ng bahay ay makikitang nakapalibot ang porch sa buong bahay. Konektado ang isang bahagi ng porch sa carport samantalang ang kabilang bahagi naman ay maaaring magamit upang makapasok sa bahay na ito. Talaga namang napakalawak ng porch na ito dahil makikitang mayroong isang sala set na nailagay dito kung saan maaaring makapagpahinga ang sinuman habang tanaw-tanaw ang napakagandang view sa paligid ng bahay.

Perpekto rin ang espasyong ito kung mayroong mga bisita ang pamilya. Bukod sa sala set na ito, maaari pang makapaglagay ng karagdagang benches o kaya naman ay isang simpleng dining table upang magkaroon ng outdoor dining experience ang pamilya.

Marami ding glass doors at windows ang bahay kaya naman talagang maaliwalas sa loob nito. Puti rin ang kulay ng mga dingding sa loob ng bahay kaya naman madali lamang na pagandahin at lagyan ng iba’t ibang dekorasyon ang loob ng bahay.

Gaya naman ng ilang tahanan na mayroon ding kulay puti na background, maaaring maglagay ng mga furnitures na gawa sa kahoy.

Bukod sa common spaces ng bahay gaya ng living at dining area, kulay puti rin ang malalawak na kwarto kaya naman maaari din itong lagyan ng dekorasyon base sa kagustuhan ng mamamalagi rito.

Dagdag pa rito, perpekto rin ang arkitektura ng mga kwartong ito para sa mga taong gusto ng pribadong espasyo dahil bukod sa kanilang sariling espasyo, mayroon din silang pribadong palikuran. Makikita pa rin ang kulay puting tema sa mga comfort room ng bahay.

Dahil sa kagandahan ng bahay gayundin dahil sa lawak nito, hindi maitatangging malaki rin ang nagastos dito.

Ayon nga sa mga homeowners, kinakailangang maghanda ng halos PhP3.5 million ang sinumang magdedesisyon na magpagawa ng parehong farm house.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *