Silipin ang Grandiyosong Php2M na Bahay na ito na may Napakalamig sa Mata na Disenyo sa Loob at sa Labas

Sa dami ng mga tahanan na mayroong modernong disenyo sa ngayon, kahanga-hanga pa rin ang iilang mga homeowners na nais na panatilihin ang klasikong disenyo ng kanilang mga tahanan. Bagamat klasiko ang mga ito, hindi pa rin maitatanggi ang kanilang kagandahan at pagiging elegante. Isa na nga rito ay ang grandiyosong bahay na ito na mayroong klasikong disenyo.

Gaya ng ibang bahay na mayroong parehong disenyo, mapusyaw ang kulay ng bahay na ito. Mayroon itong kombinasyon ng puti at light green na kulay para sa panlabas nitong pintura. Bukod sa maganda nitong itsura, marami din itong common spaces gaya na lamang ng kanilang porch.

Maaaring makapagpahinga ang sinuman sa built-in benches ng porch. Gawa naman sa tiles ang flooring kaya naman maraming aktibidad ang maaaring magawa rito. Bubungad naman sa mga bisita ang malaking double doors ng bahay kaya naman talagang masasabi na grandiyoso ito.

Lalo ring mamamangha ang sinuman sa itsura ng bahay dahil makikitang napakalawak nito. Maaliwalas din ang buong paligid dahil sa malalaking glass windows na nakapalibot sa bahay. Dagdag pa rito, talagang nakakamangha rin ang naggagandahang chandeliers sa living area.

Hindi rin naman magpapahuli ang disenyo ng kusina. Bagamat simple lamang ito ay masasabi pa rin na napaka-elegante ng dating nito dahil sa kulay puti at gray na tema nito. Bagay na bagay rin dito ang kanilang napiling tiles at chandelier.

Kakaiba rin ang lokasyon ng kusinang ito ngunit dahil malapit lamang ito sa mga kwarto at living area, madaling makapaghahanda ang sinuman ng kanilang makakain.

Katulad naman ng kusina, kulay puti at gray pa rin ang tema ng comfort room kaya naman maging sa parteng ito ng bahay ay napapanatili ang iisang tema at ang pagiging elegante ng buong bahay.

Dahil nga sa iba’t ibang materyales na ginamit sa pagpapatayo ng buong bahay, mula sa porch hanggang sa bawat kwarto, PhP2 million ang maaaring nagastos para dito. Ngunit depende sa sukat, disenyo, at materyales na gagamitin para sa tahanan, maaari pang magbago ang halagang ito.

Sa kabila nito, hindi maipagkakaila na talagang agaw-atensyon pa rin ang ganitong klaseng mga tahanan kaya naman walang duda na marami pa rin ang nagnanais ng klasikong arkitektura para sa kanilang sariling bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *