Ryza Cenon, Pinabilib ang Marami ng Ipamalas ang Pagiging Malikhain Matapos Gawan ng DIY Kids Size Mcqueen Car ang Anak Niyang si Night

Sabi nga nila walang kayang gawin ang isang ina, para sa kanyang anak, lalo na kung makapagbibigay kaligayahan sa mga ito. Lahat nga naman ay tila nakakaya ng isang ina para sa mga anak niya, at ito ang pinatunayan ng aktres na si Ryza Cenon, ito ay matapos na lumabas ang pagiging isa niyang malikhain, ng gawin niya ang bagay na batid niyang magbibigay ligaya sa anak niyang si Night.

Si Ryza Cenon ay isa sa mga kilalang aktres sa mundo ng showbiz, na ngayon ay mas kinakarir muna ang pagiging isa niyang first time mom sa anak niyang si Night. Matatandaan na noong ika-31 ng Oktubre taong 2020 ng isinilang ni Ryza ang panganay niyang anak, at ngayon nga ay dalawang taong gulang na ito kaya naman lumalawak na rin ang interes at hilig nito bilang isang bata.

Samantala, nito lamang nakaraan ay ibinahagi ni Ryza sa kanyang Instagram post ang isang regalo na pinagpuyatan at pinaghirapan niyang gawin para mabigyan niya ng kasiyahan ang panganay niyang anak. Sa IG post nga ng celebrity mom ay ibinida niya ang isag DIY kids size na mcqueen car na kanyang ginawa.

Ayon kay Ryza isa sa mga paboritong cartoon character ng anak niyang si Night ay si Lightning Mcqueen kaya naman napili niya na ito ang gawin na regalo para sa anak.

Marami sa atin ang kilala si Ryza bilang isang mahusay na aktres, ngunit lingid sa kaalaman natin na maliban dito ay itinatago din siyang galing pagdating sa mga DIY project, tulad na lamang ng ginawa niyang DIY McQueen car para sa anak niya.

Ang Diy McQueen car na ito na ginawa ni Ryza ay gawa sa pinagdikit-dikt na karton at ito ay kanya lamang pininturahan ng pula at dinikitan ng iba pang mga palamuti para makuha ang hitsura ng nasabing sasakyan.

Sa ganda at detalyadong pagkakagawa ng Diy Mcqueen na ito, ay hindi nga aakalain na ito ay gawa lamang sa karton. Tunay namang nakabibilib ang pagiging malikhain ni Ryza Cenon, dahil sa ganwa ng kanyang ginawang ito para sa kanyang anak na si Night.

Ipinakita naman ni Ryza sa isang video ang naging reaksyon ng anak niyang si Night ng makita ang ginawa niyang Mcqueen car para rito. Sa hitsura nga ni Night ay bakas ang pagkamangha at tuwa dahil sa natanggap niyang napakaganda at espesyal na regalo na ito mula sa mommy Ryza niya.

“Priceless [emoji]”, ang naging maikling caption naman ni Ryza sa kanyang IG post.

Kinabiliban naman ng mga netizens ang napakagandangh DIY car na gawa ng aktres. Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens;

“Wow ang galing mo naman ms. @iamryzacenon, kuhang kuha mo si Mcqueen!”
“Great craftmanship