Pink Theme na Kubo na Napapaligiran ng Maraming mga Pananim Agaw-Pansin sa Social Media

Ang isang tahanan ay tunay na nagiging mas maganda at kaaya-aya na silungan kung mayroon itong nakaka-relaks na kapaligiran, at lalo na kung ito ay napapaligiran ng mga luntiang halaman at makulay na bulaklak na mas nagpapadagdag pa dito ng kagandahan at kaayusan.

Photo credits to the owner

Pagdating sa ganitong usapin, isang simpleng tahanan ang nito lamang nakaraan ay naging agaw-pansin sa social media, at ito ay ang isang bahay-kubo na may pink na tema, na mas lalo pang naging kaayaw-aya sa mata at karelaks-relaks sa paningin dahil sa mga mayayabong na pananim na nakapaligid dito.

Photo credits to the owner

Sa social media ay kumalat ang larawan ng naturang bahay kubo na gawa sa kawayan at ang haligi ay sawali, na ang ilang bahagi ay nakukulayan nga ng pink. Masisilayan din na ang bahay kubo na ito ay mayroong maayos na kusina sa likurang bahagi nito.

Tunay ngang kaaya-aya ang naturang bahay kubo, dahil maliban sa napaka-presko nito, ay tila naging isa naman itong modernong bahay kubo dahil sa pink na tema nito, kung saan ilan sa mga bahagi nito ay kinulayan ng pink tulad na lamang ng mga kawayan na nagsilbi nitong haligi.

Photo credits to the owner

Hindi lamang naman ang pagkakaroon ng pink na tema ng bahay kubo na ito ang talagang nakaagaw pansin sa mga netizens, dahil tulad ng ibang mga bahay kubo ay mayroon din itong sarili niyang ‘appeal’ o isang bagay na mas lalo pang nagpaganda dito, at ito nga ay ang napapalibutan ito ng mga nagagandahang tanim.

Makikita sa mga larawan na maliban sa mga luntiang halaman na nakatanim sa mga paso at nakalapag sa may labas na bahagi ng bahay kubo, ay mayroon din itong mga iba’t ibang mga ‘hanging plants’, na mas lalong nagbigay ng kagandahan sa naturang tahanan.

Photo credits to the owner

Photo credits to the owner

Photo credits to the owner

Pagpasok ng bahay kubo ay tatambad naman ang pagiging pink theme talaga nito, kung saan tila halos karamihan sa mga kagamitan at dekorasyon dito ay nakukulayan ng pink, tulad na lamang ng kurtina, basahan, bintilador at iba pa.

Photo credits to the owner

Maging ang linoleum na inilagay sa sahig nito ay kulay pink din, kaya naman pink bahay kubo talaga ito. Samantala, sa bandang kusina naman ay tila nag-iba na ang tema dahil blue at green na ang karamihan sa mga makikita dito.

Photo credits to the owner

Photo credits to the owner

Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay bumabagay ang kulay na pink sa isang tahanan, kaya naman kabilib-bilib ang bahay kubo na ito dahil kahit na gawa ito sa amakan at kawayan at bumagay naman ang pink na tema dito. Ayon naman sa ulat, sa pagbuo ng ganitong bahay kubo, ay maari kang gumastos ng halagang Php60,000 hanggang Php200,000.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *