Narito ang Sampung Pinakasikat at Napakagandang Ancestral Houses ng Pilipinas

Bagamat iba-iba na ang arkitektura ng mga modernong tahanan ngayon, kinikilala pa rin at pinapahalagahan ang mga ancestral houses ng ating bansa gaya na lamang ng mga sumusunod:

Una sa listahan ng mga ancestral houses ay ang O’Brien-Lichauco Heritage House o mas kilala na ngayon sa pangalang Lichauco Heritage House. Itinuturing ito bilang isang ancestral house dahil ito ang isa sa pinakamatatandang tahanan na makikita sa Santa Ana, Manila.

Ang Lizares Mansion naman na makikita sa Iloilo City ay ginagamit na ngayon bilang isang chapel ng Angelicum School Iloilo samantalang ang Mercado Mansion na makikita sa Cebu ay ginagamit na ngayon bilang isang komersyal na establisyimento.

Hindi lamang ang mga ganitong klaseng tahanan ang maituturing na heritage houses. Maging ang ilang kilalang tahanan ng ating mga dating pangulo ay kinikilala na ngayon bilang isang ancestral house. Isa na rito ang mansyon ni dating pangulong Elpidio Quirino. Makikita ang bahay na bato na ito sa Vigan, Ilocos Sur.

Dagdag pa rito, bagamat nai-renovate na ang tahanan ng dating pangulo na si Manuel Quezon, kinikilala pa rin bilang isang ancestral home ang tahanan na ito.

Bukod sa mga ito, mayroon ding mga tahanan na kilalang-kilala na natin mula sa ating pag-aaral ng ating kasaysayan. Isa na nga rito ay ang sikat na sikat na ancestral house ng isa sa ating mga bayani na si Emilio Aguinaldo. Matatandaang noong Hunyo 12, 1898 ay idineklara dito ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa pananakop ng mga Espanyol. Dahil dito, ang bahay na ito na idinesenyo mismo ni Emilio Aguinaldo ay itinuring na isang National Shrine noong 1964.

Bukod dito, idineklara din bilang isang National Shrine ang dalawang ancestral homes ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Ang mga ancestral house na ito ay makikita sa Calamba, Laguna at sa Dapitan City, Zamboanga del Norte.

Bukod sa mga aral ng kasaysayan na makukuha natin sa mga heritage houses na nabanggit, ang ibang ancestral houses naman ay nagiging tourist attraction na rin dahil sa ganda ng mga ito. Isa na nga rito ay ang The Ruins na makikita sa Talisay City, Negros Occidental. Itinayo ito ni Mariano Ledesma Lacson para sa kaniyang asawa na si Maria Braga Lacson na sa kasamaang palad ay binawian ng buhay matapos niyang ipanganak ang kanilang ika-11 na anak.

Isang museo na rin ang tahanan ng dating cabeza de barangay na si Paulino Santos at Alberta Uitangcoy-Santos. Kilala na ito ngayon sa pangalang Museum of the Women of Malolos.

Ang Bahay Nakpil-Bautista naman ay isang museo na rin ngayon ng iba’t ibang kagamitan ng Katipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *