“Nagsimula sa 3 Pakete ng Diaper” Isang Nanay, Kumikita ng PhP200,000 sa Isang Buwan Mula sa Pagbebenta ng Baby Products Online

Marami na ang mga online sellers ng mga damit at pagkain ang nagbahagi ng kanilang kwento kung paano lumago at naging matagumpay ang kani-kanilang mga negosyo.

Gaya nga ng full-time mom at negosyante na si Erlinda “Lhen” Arce, nagsimula rin siya sa maliit hanggang sa unti-unti itong lumago.

Bago pa man magsimula ang pandemya, mayroon nang maayos na trabaho si Lhen bilang isang crew ng barko.

Photo credits: Lhen Arce | Facebook

Sa kasamaang palad, naapektuhan nang husto ang kaniyang trabaho noong magsimula na ang pandemya. Dahil dito, talagang labis ang problema na kaniyang pinagdaanan nang mawalan siya ng trabaho. Kwento nga niya, may pagkakataong naiiyak siya dahil sa pag-iisip kung saan aabot ang kaniyang naipong pera.

Photo credits: Lhen Arce | Facebook

Bagamat masasabing kinailangan nilang magtipid, hindi pa rin niya gustong isakripisyo ang kalidad ng mga kagamitan at produktong nakagisnan na ng kaniyang mga anak. Dahil dito, napilitan siyang maghanap ng mas murang alternatibo sa mga kagamitang ito na pasok pa rin sa kanilang nais na kalidad.

Sa kabutihang palad, sa tulong na rin ng kaniyang kapatid, nakilala niya ang isang wholesaler ng mga baby products. Dito, nakabili siya ng anim na pakete ng diapers sa halagang PhP2,500.

Photo credits: Lhen Arce | Facebook

Ang tatlong pakete ay inilaan niya para sa kaniyang mga anak samantalang ang natitirang diapers naman ay ibinenta niya online. Laking tuwa naman ni Lhen nang makita niya na mayroong nais bumili ng kaniyang produkto. Dito na nga siya nagsimulang magbenta ng iba’t ibang baby products.

Photo credits: Lhen Arce | Facebook

Ayon kay Lhen, mayroon lamang siyang kakaunting kaalaman sa pagiging online seller dahil minsan na rin siyang nakapagbenta ng mga bago at lumang kagamitan. Dahil dito, hindi maiiwasan ang ilang hamon na pinagdaanan ni Lhen. Isa na rito ay ang kaniyang mababang kita dahil sa pagbabago ng mga polisiya ng app na kaniyang ginagamit.

Dahil dito, pinili na lamang niyang magbenta sa Facebook. Dito na rin niya nadiskubre ang GC Mart. Kwento ni Lhen, talagang napakadali lamang nitong gamitin. Kakaunti rin ang mga charges at transaction fees kaya naman mas malaki ang kinikita niya ngayon.

Photo credits: Lhen Arce | Facebook

Hindi na nga nakapagtataka na ngayon ay umaabot na sa PhP50,000 kada linggo ang kaniyang kinikita. Ayon kay Lhen, hindi ito imposible lalo kung pagtutuunan ng pansin ang negosyo. Syempre, hindi dapat mawala ang diskarte at patuloy na pag-aaral upang lumago pa ang negosyo ng kahit sino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *